Nineteen

4.5K 109 13
                                    

"Anak, ilagay mo na sa lamesa 'yong rice cooker!" utos ni Mama habang ginagawa ang handa naming fruit salad. "Esiah, sina Kuya Noah mo abangan mo na sa gate natin at baka parating na sila."

"Ma, kacha-chat lang kay Ate kanina na paalis pa lang sa kanila. Malayo po bahay nila sa atin," tugon ni Noah.

"Kalma ka lang, Ma. Maitatawid natin ang New Year's Eve nang matiwasay." Minasahe ko ang balikat ni Mama.

Kanina pa siya hindi mapakali at kilos nang kilos. Pati 'yong lamesa namin sa sala ay ilang beses niyang ipinalipat kina Papa. Nababagabag kasi ito dahil noong nagdiwang kami ng Pasko, dumating na ang mga bisita at hindi pa nakahanda ang mga pagkain.

Ang pamilya ni Micah ang kasama namin noon at sina Noah at Mama Yula. Sa huli, um-order na lang kami ng spaghetti sa restaurant nila dahil hindi niya na nagawang magluto.

"Nako, mag-aayos pa ako! Baka maghintay nang matagal sina Noah, Pa."

"Relax, Ma. Matagal pa sila. . . at saka, fruit salad na lang 'yan oh. Kami ang bahalang mag-ayos nang kakainan natin para makapaghanda ka ng sarili mo."

"Una at huling bagong taon kasi ito na kasama natin ang Suarez family. Ayaw kong hindi maging masaya ang pagdiriwang nila."

"Ma, tuwang-tuwa nga po noon si Mama Yula, 'di ba? Kayo itong nago-overthink masyado."

I remember that night as chaotic, but the happiest Christmas I've ever spent. Nagkaroon pa kami ng ilang laro at kantahan. Lahat din nakatanggap ng regalo at pamasko. Si Noah ay ayaw pa ngang tanggapin ang binigay na ang pao sa kaniya ni Papa.

"Ano ka ba, Noah? Hindi ka na bago rito! Taon-taon ka na naming makakasama sa Pasko kaya masanay ka na."

"Tito, kahit 'wag na po."

"Papa ang sinabi ko kaninang itawag mo! Baka hanggang kasal ninyo, ganiyan pa rin ang tawag mo sa amin ng Mama mo."

"S-Salamat po, Papa."

"Nako, ako rin may ang pao para sa pangalawa kong anak! Baby Esther, accept my little gift for you, please." Mama Yula gave me a long ang pao which I gladly accepted.

"Thank you po, Mama."

"Aw, ang sarap pakinggan na tawagin mo akong Mama!" emosyonal na sabi ni Mama Yula. "Naiiyak ako. Kailangan kayo na ang magkatuluyan hanggang dulo."

Sabay kaming natawa ni Noah doon. We both glanced at each other and shrugged at what Mama said.

"Mama, may regalo rin po ako sa inyo!" ani ko at kinuha ang Nike na para kay Mama Yula.

"You told me that's for Tita," Noah whispered.

I giggled and got the shoes for him. "Tada! Regalo ko para sa 'yo."

"Oh, babe. . . sabi mo kay Papa 'yan!"

"Pa'no magiging surprise kung ibubuking ko kaagad na sa 'yo 'to?"

Inatake ako nang mahigpit na yakap ni Noah. I felt him kiss my head before he opened my gift. Tila nakiliti ang puso ko sa naging reaksyon nito. Parang batang kumikinang ang mga mata ngayon.

"I love it, Esther. Thank you, babe," aniya at muli akong niyakap. "'Yong regalo ko rin sa 'yo!"

May kinuha siyang paper bag sa kaniyang likod. Nang buksan ko 'yon ay nakita ko ang isang badminton jacket na may apelyido niya sa likod.

"Badminton jacket ko no'ng junior high," kwento niya. "Hindi ko pa rin nakalilimutan 'yong nagpahiram sa 'yo ng jacket. Ayan, may apelyido ko na. Distansya o ambulansya na lang."

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon