Fifteen

4.4K 130 27
                                    

"Wah! Go, Belle!" hiyaw ni Micah sa akin nang pumwesto kami sa gitna ng stage.

Sinenyasan ko itong tumahimik dahil magsisimula na ang aming performance sa P.E. Ito ang aming final project at examination ngayong semester. Sayaw ang gagawin at sa amin napunta ang genre na K-Pop.

Aaminin kong kinakabahan ako dahil hindi ako magaling sumayaw. Kahit gano'n, nilagay pa rin ako ni Kat sa unahan kaya tuloy ay kitang-kita kung magkakamali man ako.

Sinabihan ko siya no'n na sa likod na lang ako ipwesto pero ang dahilan nito ay crowd's favorite raw kasi ako.

"Belle, kapag nagkamali ka, baka isipin pa ng mga kaklase natin 'tsaka ni ma'am na kami ang mali at ikaw ang tama." Iyon ang sinabi niya sa akin.

Hindi nga dapat ako maniniwala roon pero noong nakaraang araw na nag-practice kami kasabay ang grupo nina Micah ay sandamakmak ang puri na natanggap ko sa aking mga kaklase.

Ngunit kapag tinitingnan ko ang sarili kong sumasayaw sa salamin ay halos laitin ko ang aking sarili. I look awkward when dancing. Hindi naman matigas ang katawan ko pero halata sa aking iniisip ko palagi ang susunod na step tuwing umiindak.

"Music cue, group five!" Dinig kong sigaw ng guro namin.

Kasunod noon ang pagsisimula ng aming ginawang remix na kanta. Si Kat ang nag-remix pero masasabi kong ang ganda nang pagkakagawa noon. Dancer kasi ito at forte niya talaga ang pagsayaw.

Siya ang nag-choreo sa aming sasayawin. Pati blockings ay siya ang nag-isip kaya nga minsan ay nakakahiya kapag matagal naming nakukuha ang mga tinuturo nitong steps.

"Group five in your area!"

I glided to my left side when I heard that phrase. Tatlong beses umulit iyon hanggang sa maging V ang formation namin at lumabas si Kat na todo ang galaw sa bawat pintig ng kanta.

She then twirled beautifully like how a ballet dancer does. Nakakuha kaagad ng hiyawan iyon mula sa aming mga kaklase.

"Bias ko 'yan!" sigaw ng isa sa mga lalaking kaklase namin.

Hindi natinag si Kat doon at kitang-kita pa rin ang charisma nito sa kaniyang facial expression. I knew right then that I need to take this seriously too. Kaya sinubukan kong hindi pansinin ang bawat komento ng aming mga kaklase kahit pa may ilang nakakatawa roon.

May mga parte pa nga sa kanta na hindi ko na marinig ang tugtog dahil natatabunan iyon ng sigaw ng aming mga kaklase.

Hindi sila napagod kakasigaw kahit tumagal kami sa pagsayaw. Habang ako ay hinihingal na dahil sa matinding paggalaw namin.

Natanto ko ang pagod noong kalagitnaan ng aming performance at nagkaro'n ako ng kaunting mali. I am just hoping it's not that obvious.

I don't wanna be somebody,
Just wanna be me, be me
I wanna be me, me, me. . .

I did my final pose for the song and heaved a heavy sigh as we finished our performance.

Sumakop sa aking tainga ang palakpakan at hiyawan ng aming mga kaklase. Pansin din ang malawak na ngiti ng aming guro at ilang beses tumango bago ito nagsulat sa hawak niyang papel.

Nakahinga ako nang maluwag at agad na uminom ng tubig pagkaupo sa tabi ni Micah. Halos mabuga ko nga lang iyon dahil sa pagyugyog ni Micah sa akin.

"Nakakaloka ka! Kulang lang talaga ng practice pero ang galing mong gumiling," aniya. "Pero 'yong sa shoulder step, sure ka bang hindi na-dislocate 'yang balikat mo?"

I rolled my eyes at her. Hindi ko alam kung masasabi bang compliment ang sinasabi niya o panunukso lang sa akin.

"Nakaka-concern nang slight. 'Buti na lang ihahatid ka ni Noah, siya na ang pagbuhatin mo ng bag!"

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon