One

9.5K 182 41
                                    

I can't help but giggle as I read the story I have been reading since our school break started. Kumuha ako ng kutkutin na nasa table sa harap ko at muling nag-scroll sa hawak na telepono.

Hindi ako maistorbo sa ginagawa. Kahit noong naramdaman ko na may nilagay na inumin ang Mama ko sa lamesa ay hindi ko iyon pinansin. I was engrossed with the story I am reading. Nakakikilig iyong batuhan ng linya noong mga bida. Minsan pa ay titigil ako sa pagbabasa para lang hampasin ang unan na nakapatong sa binti ko.

"Hindi kayo lalabas ni Micah ngayon, anak?" tanong sa akin ni Mama.

"Naghihintay pa po ako ng message niya, Ma. Pero baka lumabas kami mamaya."

Tango ang sinagot sa akin ni Mama.

Sanay na siya sa ganoon. Siya pa ang nagpapaalala sa akin sa kaibigan kong halos araw-araw ay niyayaya ako magmula nang magbakasyon kami.

Micah is my friend since elementary. Sa tingin ko'y nakuha na namin ang ugali ng isa't isa kaya ay halos magkasundo kami sa lahat ng bagay.

She's more high-spirited. Kapag magkasama kami ay siya ang palaging mas nagsasalita. Pati sa mga naging kaibigan ay mas marami ang kaniya. Siguro dala na rin na mas mukha siyang approachable sa aming dalawa. Ako kasi ay nagiging malapit lamang sa mga taong kusang kumakausap sa akin.

Micah is also more adventurous. Last week, we went to Tagaytay because she told me she wanted to try the zipline there. We even stayed there for one night because Micah requested her parents to stay a little longer. Mabuti lang at pati ang mga magulang namin ay magkaibigan kaya sa mga ganoong biglaang plano ay suportado sila.

Now that I remember that day, I am curious about her plan for today. Sa pagkakakilala ko sa kaniya, sigurado'y hindi siya nauubusan ng gustong gawin. She's always the planner in our friendship. Ako ang taga-oo sa mga naiisip niya. I trust her enough to let her plan those things.

From: Micah
Tara swimming!

Natawa ako sa nabasang suhestiyon ni Micah. That's a good idea considering the weather today. May kainitan ngayong araw at swimming ang pinakaswak na ideyang gawin sa ganitong panahon.

"Ma, swimming daw," sabi ko kay Mama.

Mahinang natawa ito sa narinig at napailing. Rason iyon para lumawak ang ngiti ko. Alam kong kahit pa iling ang sinagot niya ay pagpayag ang ibig sabihin noon.

I quickly replied to Micah.

To: Micah
Okay raw sabi ni Mama. Maghahanda na ako ng gamit.

Micah's parents were the ones who again arranged everything. Isang sabi ni Micah ay naghanap daw kaagad ang Mama niya ng lugar sa Pansol. They were able to find a good and wide place for us.

"Pinanood ko 'yong 'When the Weather is Fine' kagabi! Ang ganda pala no'n," kwento sa akin ni Micah. "Ang pogi no'ng bidang lalaki! Kinikilig ako tuwing makikita ko siya sa screen. Kapag hindi gano'n ang magiging boyfriend ko, baka umiyak ako!"

Mahina akong natawa sa sinabi ni Micah.

"Sana sa second sem, may gano'n tayong kaklase 'no!" Bahagya siyang lumubog sa tubig at nanlaki ang mata nang may maalala. "Two weeks na lang pala tapos balik klase na tayo!"

Halos isang buwan ang tinagal ng bakasyon namin ngayong school year. First semester iyon kaya pagbalik ng klase ay isang semester pa bago kami mag-advance ng isang level.

"Sabay tayo mag-enroll next week ah!"

And we did enroll the following week. Dala-dala ko ang lahat ng kailangan kong i-submit noong pumunta ako sa school. Ako lang mag-isa at hindi nagpasama kay Mama. Ganoon din si Micah kaya nakakapagkulitan kami dahil walang nagbabantay at sumisita.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon