Thirty-six

2.4K 63 32
                                    

Do you think that a love that's lost can still be found? Can a love that has ceased still go back?

Kapag marami ba akong pagsisisi, babalik pa rin 'yong taong hinahanap-hanap ko? Kapag sinabi ko bang mahal ko pa rin, mababalik ang dati?

When Noah and I broke up, my life became somber and lacking. Napagtanto ko, ang dilim pala ng mundo kapag wala siya sa tabi ko.

Parang tanga lang 'no? Ako 'tong nakipaghiwalay pero ako pa ang nagsisi. Ako 'tong nanakit pero ako pa ang humihiling na may bumalik.

"Ano, Esther?! Wala na kayo ni Noah?" Mahihimigan ang galit sa tono ng aking ina.

I went home that night crying. Pagkasara ko nang pinto, tuluyan akong bumagsak sa sahig dahil sa panghihina.

My heart broke, but I felt like my whole energy was taken away from me.

"Esther Belle. . ."

"Ma, I'm sorry," humihikbi kong sabi.

"Bakit? Anong nangyari?" hindi makapaniwalang tanong ni Mama. "Tatawagin ka lang dapat ni Esiah para kumain tapos bigla kang kumirapas ng takbo palabas."

She forgot again. Iyong naging pag-aaway namin ay ang bilis niyang nakalimutan.

I scoffed.

I can't believe I'll say this. . . pero sana katulad na lang din ako ni Mama na nakakalimot. Baka mas naging madali sa aking tanggapin na wala na talaga. Wala na akong mababalikan.

Ang hirap masyado. Sa araw-araw na nagigising ako, umaasa akong may matatanggap akong mensahe mula sa kaniya. Tapos sasabihin niya sa akin na ayos lang. Naiintindihan niya ang ginawa ko. At nandiyan pa rin siya para sa akin. Para hintayin ako hanggang sa maghilom ang mga sugat kong nakatago.

"Ano?! Naghiwalay na kayo 'ka mo?" singhal ni Micah.

I just cooly nodded. Kunwari'y hindi ako naaapektuhan.

"Nakakaloka! Bakit? Eh no'ng nagkita tayo nina Faye, okay pa kayo?"

"Biglaan lang nangyari."

"Pa'no? Anong dahilan? Sinong nakipaghiwalay?"

"Ako. Napagod na ako."

Napanganga si Micah sa gulat dahil sa aking inamin. Tila gusto ako nitong pagalitan dahil sa ginawa ko. She had that judging look thrown at me.

"Napagod ka ba talaga? Oo, binitawan mo na lang kasi nagsawa ka na?"

Agap akong umiling. Hindi ko gusto ang salitang 'yon.

Hindi ako nagsawa.

"Gano'n din naman ang mangyayari sa huli. Masyado akong nakakulong sa responsibilidad ko bilang panganay, Micah. Kapag tumagal at lalo akong naubos, masasaktan at masasaktan ko rin siya."

"Kaya tinapos mo na hangga't maaga pa?"

Tumango ako.

"Nakakaloka, ang tanga-tanga!" anas nito. "Bakit mo pinangunahan si Noah? Belle, ilang buwan 'yong naging busy ka sa trabaho pero hinding-hindi napagod sa 'yo si Noah. Ilang date n’yo 'yong hindi natuloy pero wala ka namang narinig sa kaniya ah?"

"'Yon na nga eh! Ang dami ko nang pagkukulang pero tinitiis niya. Ayaw ko no'n, Micah. Tinitipid niya 'yong sarili niya para lang manatili sa tabi ko."

"Pero lahat malalagpasan n’yo basta magkasama kayo. . ." aniya. "Mahal mo pa?"

"Hindi naman nawala 'yan."

"Edi pa'no ka niyan?"

Ang sakit pala marinig 'yong gano'ng tanong. Paano na ako kung si Noah 'yong naging takbuhan ko tuwing ubos na ubos na ako?

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon