"Ate, Ate! May boyfriend ka na raw po ba? Pinapatanong ni Michael. Crush ka raw po niya, Ate!"
"Ate, sobrang ganda mo po. 'Di ba, nineteen ka na po?"
"Ate ganda na naka-pink, si Juju kanina pa po ako pinapalo!"
Sunod-sunod ang naging pagtawag sa akin ng mga batang estudyante nang magkaroon kami ng limang minutong pahinga sa pag-aaral.
It's already the month of April and two months have passed since our second semester started. Sa dalawang buwan na 'yon ay magkandaugaga sa pag-aaral ang aking ginawa.
Magmula nang magsimula ang klase namin ay sakop ang oras ko halos sa research namin. Mayroon pa kaming film project noong nakaraang linggo kaya talagang pagod na ang katawan at utak ko kahit dalawang buwan pa lang ang tinatakbo ng second semester.
Ngayon ay ang huling araw na pagtuturo namin sa grade 3 students ng Osmenia Elementary. Experiment ang aming research at isa ito sa kailangan naming gawin para makapagkolekta kami ng mga data namin para sa Chapter four.
"Ate, si Juju nananambunot na po."
Ganito ang gulo na hinarap namin ng mga kagrupo ko sa isang buong linggo. Makukulit ang mga batang tinuturuan namin kahit na uunti lang naman sila. Hindi nga lalagpas ng bente ang bilang nila pero kapag ganitong may break sila ay halos mahilo ako at hindi malaman kung kanino ko itutuon ang aking atensyon.
"Sige po, lahat nang tanong ninyo ay sasagutin namin pero tahimik lang po tayo. Raise your hand if you have a question po, naintindihan ba?" saad ko sa malambing na boses upang hindi matakot ang mga bata.
"Ako po, Ate!" Iyong nag-iisang babae sa likod ang nagtaas ng kamay.
"Yes po?"
"Babalik po ba kayo ulit dito sa susunod na linggo?"
Nagkatinginan kami ng mga kagrupo ko. Malungkot na ngumiti si Trisha sa akin at siya na ang sumagot sa tanong na iyon.
"Even if gusto naming palagi kayong turuan, may mga kailangan din pong tapusin sina Ate at Kuya sa school nila. Kaya hindi na po kami babalik next week pero 'wag kayong mag-alala dahil kung may oras kaming dumalaw, pupuntahan namin kayo rito."
Kahit ako ay nalulungkot tuwing naiisip na ito ang huling araw na makakasama namin sila. Isang linggo pero napalapit na ako sa mga batang ito. Pati nga sa bahay, hinahanap ko na paminsan 'yong ingay at kakulitan nila.
Minsan kapag sobra sa pangungulila ay kinakatok ko ang kapatid ko para lang istorbohin siya. Ngunit wala pang isang minuto ay pinapaalis na ako nito dahil sa ingay ko.
"Ate ganda, may boyfriend ka na?"
"Wala pa po, pero. . . may manliligaw na si Ate."
"Sino? Kaya ba niyang lumaban sa amin? Baka talunin lang namin siya sa jackstones!"
Mahina akong natawa dahil doon. Ang dami sa kanilang sumang-ayon sa sinabi ni Sean.
"Nako, hindi lang kayo sa jackstones matatalo no'n! Pwede na siyang maging Principal ng school ninyo!" komento ni Trisha.
Nag-uubos na lamang kami ng oras dahil pagkatapos nito ay ibibigay namin ang posttest nila. Naglaan kami ng interval dahil katatapos lang kanina noong huling lesson na tinuro namin. Iyon ay para masiguro na talagang 'yong score nila ay nakuha dahil naintindihan nila ang mga tinuro namin at hindi dahil bago pa iyon sa kanilang utak.
"Ate, mahirap po ba sa senior high?"
"Sobra!" agap na sagot ni Heaven sa aking gilid.
"Nakakatakot po pala! Hindi na lang ako magse-senior high," ani Juju.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...