He kept his promise.
Hindi pa tuluyang sumisikat ang araw ay naramdaman ko ang pagtabi niya sa akin habang natutulog ako.
Mahigpit ang yakap niya sa aking baywang at ilang minuto lang ay narinig ko ang mahinang hilik nito sa aking tainga.
I fell into deep sleep again after that and woke up minutes after 7 am. Ang laki ng ngiti sa labi ko nang siya ang unang-una kong nakita sa pagmulat ng aking mga mata.
Mukhang mahimbing pa ang tulog nito dahil kahit noong gumalaw ako ay hindi siya nagising. So for a few moments, I just stared at his peaceful state.
Ang pogi talaga.
Ang kinis ng mukha nito at ang lambot kaya sobrang sarap haplosin noon. I also traced his high bridged nose. Pagkatapos ay tinitigan ko ang natural na mapulang labi niya. It is slightly plump and pouting—like it is asking for a kiss.
"Noah," bulong ko dahilan upang kumunot ang noo ni Noah.
"Hmm?"
"Good morning."
Dahan-dahang bumukas ang mga mata nito na mukhang nasilaw pa dahil sa biglang pagtama ng liwanag sa paningin niya.
"Mornin'," he uttered with his sleepy voice. "What time is it na po?"
"Past seven am."
"Hmm, we have to prepare breakfast."
"We? Kami na lang ni Mama. Matulog ka muna, mukhang kulang pa ang tulog mo," saad ko. "Anong oras ka ba natulog kagabi?"
"12 am? I waited until you were snoring."
"Anong oras ka nagising kanina?"
"Exactly six. Nang tumunog ang alarm ko."
Tumulis ang aking nguso at hindi makakaila ang kilig na naramdaman.
"Matulog ka muna, kung gano'n. Gigisingin na lang kita kapag nakahanda na ang pagkain natin."
"No po, I'll help," he insisted. "Sanay akong hindi nakakakuha ng sapat na tulog. So it's fine po."
"Sure ka?"
"Yes," he quickly answered. "Pero pwedeng 10 minutes muna? Let's cuddle first."
Humagikhik ako nang isiksik nito ang mukha niya sa aking leeg. I could feel his hot breath touching my skin. Ilang segundo ay naramdaman ko naman ang pagpatak niya ng nakakahilong halik doon.
"You smell good, babe," he murmured in my neck. "So good."
"Nakikiliti ako. . ." sambit ko.
"Hmm, I have a question po."
"Ano 'yon?"
"Naalala mo lahat nang nangyari kahapon?"
Sobrang linaw noon sa isip ko. Pati 'yong mga nakakahiya kong ginawa; iyong paghingi ko ng kiss sa kaniya, iyong mga panlalambing ko. Lahat malinaw sa akin.
It honestly feels like a dream. Akala ko'y pagmulat ko ay isasampal sa akin ang katotohanan na hindi totoo ang sayang naramdaman ko kagabi.
Ngunit nandito siya. Yakap-yakap ako habang binibigyan ako ng marahang halik sa aking leeg.
"Natatandaan ko lahat. Mula roon sa bar hanggang sa makatulog ako."
Binangon nito ang mukha at mapungay ang mga matang tumingin sa akin.
"Ay! Hindi ko pala maalala 'yong sa ano. . ." bigla kong bawi. "'Yong sa kiss."
"Really?" he said, slightly laughing.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...