Forty

3.3K 72 17
                                    

"Esther, you're drunk," Noah whispered.

Ngunit sinara nito ang distansya namin. His eyes screamed gentleness, but his lips were slightly smirking.

"Ano naman? Ayaw mo?" hamon ko sa kaniya. "Kapag si Calista siguro, sinunggaban mo na!"

"I don't like Calista, Esther. Kaibigan lang po siya."

"Eh bakit kasama mo palagi? Kaklase mo no'n sa HU tapos hanggang sa trabaho kasama mo pa rin! For all I know, baka nagustuhan mo talaga siya. Gano'n ba?"

"No po. I was too busy with my studies. Besides, I never moved on."

"Sinasabi mo lang 'yan ngayon! Kung talagang hindi mo siya gusto, bakit ayaw mo ako ikiss?"

"Not when you're drunk, babe. . ."

"Hindi ako lasing!"

"Really, huh? Will your sober self ask for a kiss, hmm?"

"Parang kiss lang. . ." ungot ko at nagtatampong niyuko ang mukha. "Kapag si Calista—"

Hindi ko na napaghandaan ang nangyari. Basta ay marahang hinawakan ni Noah ang panga ko at pinagpantay ang mukha namin.

He then brushed his lips on mine and savored it like it is his favorite dessert. Hindi niya ako hinayaang ibalik ang mga halik na iginagawad niya sa akin.

Tuwing susubukan ko, mararamdaman ko ang kaniyang mahigpit na hawak sa aking panga.

"You know exes don't kiss like this, right?" he murmured in between our kisses.

"Hindi naman. . . friends tayo," bulong ko nang pakawalan niya ang aking labi.

"Friends don't smooch each other too."

"Edi situationship," bawi ko habang ang mga mata'y nakatutok pa rin sa labi niya.

"Ahuh?" he said with an amused tone. "We are in a situationship now?"

"'Yon naman talaga. Nagde-date tayo, pero walang label. Anong tawag mo roon?"

"I call that commitment, miss. Nagde-date tayo pero sa 'yo lang ako committed. Situationship sounds like you'll entertain other men too."

"Hindi! Ikaw lang," tanggol ko sa sarili.

"Ahuh?"

"Nag-kiss na nga tayo. Tingin mo talaga, may iba pa akong ie-entertain?"

"Hindi sapat 'yong halik lang. Kailangan ko, label."

"Eh. . . ga-graduate muna ako," tanggi ko sa kaniya.

"No kissing then, not until you graduate."

"Hala! Hindi pwede."

"I don't want situationship. We won't call our relationship like that. Nililigawan kita, 'yon lang."

"Liligawan mo ako?"

"Yes po."

"Bakit? Hindi mo pa nga nasasagot 'yong iba kong tanong."

Kagat-kagat ni Noah ang loob ng pisngi niya nang iiwas ang tingin sa akin. I felt my cheeks getting hotter because of his simple gesture.

Ang pogi, nakakainis!

"Bawal manligaw kapag hindi pa sinasagot 'yon."

"What's the question then?"

"Bakit ka manliligaw? Gusto mo pa ako?" bato ko.

"No," he simply answered. "Mahal kita. Walang araw na hindi."

"Ahh!" ungot ko nang maramdaman ang pagsipa ng iba't ibang emosyon sa akin.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon