"Yellow looks good on you. You radiate so much beauty," he added.
I also scanned his outfit and couldn't help but smirk. He is wearing a black short partnered with a white shirt and pink flannel.
Ngayon ko lang napagtanto kung gaano kagwapo tingnan sa lalaki ang magsuot nang gano'ng kulay.
He is so pretty with his pink outfit. His hair is styled with messy waves; he looks fluffy with his hairstyle. At dahil pink ang suot niya, cotton candy tuloy ang pumapasok sa aking isip.
If I could just bite him, I probably already marked his skin. Kagatin kita riyan eh.
"Bolera ka! Mag-drive ka na at baka ma-traffic tayo," sambit ko kahit ang totoo'y gusto ko na lang titigan siya ngayon. O 'di kaya'y amuyin siya dahil umaalingasaw na naman ang bango nito sa buong sasakyan.
"Okay, seatbelt, miss." He pointed to my seatbelt which I haven't fixed yet.
Dali-dali kong pinalupot sa katawan ko iyon. Tinuwid ko ang damit nang bahagyang magusot iyon dahil sa seatbelt. Inilagay ko rin ang buhok ko sa aking harapan para hindi ko 'yon masandalan habang nakaupo.
'Tsaka lang nagsimulang magmaneho si Noah nang maayos ko ang aking pagkakaupo.
It was a thirty minute ride before we arrived at the school. Kasabayan naming pumasok sa campus ang iilang estudyante ng HUMSS.
"Best friend!" Dinig kong hiyaw ni Micah pagpasok sa gym kung saan gaganapin ang Christmas party. "Nakakaloka! Ginandahan mo masyado ang ayos mo."
"Ikaw nga, parang magmo-model sa suot mo."
Naka-black skirt ito at puting longsleeves na pinatungan ng isang black and beige stripped knitted vest. Beret hat ang nasa kaniyang ulo at platform black shoes ang suot niyang sapatos.
"Gano'n talaga 'no. Maganda dapat kapag aamin." Inaklay nito ang braso niya sa akin.
Hinatak ako ng kaibigan sa pwesto ng section namin habang si Noah ay tahimik na nakasunod dahil dala-dala niya pa ang palabok na baon ko.
"Pasabog ka sa Pasko, Belle! Ngayon lang kita nakitang ganiyan ang ayos!" komento ni Faye.
"Girl na girl siya. Gan'yan 'ata kapag in love."
"In love rin naman 'to si Justin pero papunta na ng brokenhearted 'yong suot niya."
I laughed along with my classmates when I looked at Justin and saw his all black outfit. Pasubo pa ito ng isang puto na binalik niya sa lalagyan nang makita ang tingin namin sa kaniya.
"'Wag mo na ibalik, pre. Sinubo mo na eh, siraulong 'to!" saad ni Prince.
"Tingnan mo 'yang dalawang 'yan. Kung ano 'yong ikinaitim nang suot ni Justin, 'yon 'yong ikina-colorful nang suot ni Prince." Si Kat iyon.
"Bakit ba trip n’yo na naman kami? Tingnan n’yo 'yang si Micah, papunta nang chef 'yong nasa ulo," baling ni Prince sa aking kaibihan.
"Ako rin trip mo palagi 'no? Wala naman akong sinasabi sa red at green na combination niyang suot mo! Pwede ka nang Christmas tree," balik ni Micah sa lalaki.
Parang hindi apektadong tumawa si Prince sa sinabi nito at saka marahas na inagaw ang hawak na puto ni Justin.
"Gagong 'to. Nasubo ko na 'yan tapos niluwa ko lang!"
"Parang 'yon lang! Kiss pa kita riyan."
"Ulol!" singhal ni Justin.
Habang nakikinig sa mga kaklase ay may mahihinang tapik ang lumapat sa aking balikat. Nang tingnan ko ang aking likod ay namasdan ko ang nakangusong si Noah. Para siyang batang naghihintay roon.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...