"Direk, ready na raw po si Gigi!" kausap sa akin ng aking assistant director.
"Sige, Fer. Palabasin n’yo na para maaga tayong makatapos," utos ko rito at muling tiningnan ang monitoring screen sa harap ko.
"Kaya pa, direk?" tanong sa akin ni Ely, isa sa aking writer, habang marahang minamasahe ang aking balikat.
"Nako, h'wag n’yo sine-stress 'yan si direk. Ikakasal pa naman 'yan next week. Lagot tayo sa kaniyang fiancé."
"Sabi ko naman sa 'yo, Bella. Magpahinga ka na noong nakaraang linggo pa para hindi ka stress sa darating na kasal ninyo!" pangaral sa akin ng mas nakatatanda na writer.
"Nagtaka ka pa riyan, Madam Dang. Mula newcomer pa lang sa ABS, hindi na 'ata nakakuha ng kumpletong tulog 'yan!"
"Wala ka pa namang binubuhay na anak, Bella. Uso ang pahinga, anak," sambit ni Madam Dang.
"Nag-iipon po para sa buhay may asawa. Magpapahinga naman ako pagkatapos nang kasal dahil magbabakasyon kami ni Noah sa Japan."
You might be curious what happened after our engagement, right? Ang masasabi ko lamang ay puno ng pagdiriwang, pagmamahal, at syempre, trabaho.
When Noah proposed to me, it felt like straight out of a dream. Iba pala iyong pakiramdam kapag engaged ka na sa isang tao. It is a different kind of commitment; a different form of love.
Mas hinarap namin ang mas seryosong buhay ni Noah pagkatapos. When we went home from Japan, I immediately applied to different networks. Kahit hindi ganoon kalaki ang posisyon, pinatos ko dahil alam ko namang may tiyansa lumago ang career ko kapag tumagal.
And blessed in life, I was accepted in ABS-CBN. Nagpapasalamat din ako sa rekomendasyon ni Miss Gina sa akin sa network kaya ako ay natanggap.
At first, I explored scriptwriting and even tried a journalist position. Naging parte rin ako ng mga assistant noong nag-uumpisa pa lang ako. Naranasan ko nang masigawan ng mas senior sa akin o 'di kaya'y gawing utusan sa mga papeles na kailangan asikasuhin para sa iba't ibang show.
It wasn't easy to reach the position I have right now. Isang taon ko ring kinuha ang tiwala ng mga boss namin bago ako nabigyan ng proyekto bilang assistant director sa isang palabas. Pagkatapos noon ay naging head director naman ako sa isang teleserye.
And unexpectedly, it got the attention and hearts of the people that it got a high rating almost every day. Magmula noon ay nagsunod-sunod ang pagpo-propose sa akin ng mga creatives sa nais nilang ipa-direct sa akin. Mapapalabas man, teleserye, o isang noontime show.
Noah, on the other hand, resigned from his job at Google after two years of working there. Lumipat siya sa Microsoft at doon mas nakapagipon dahil malaki ang kita. Right now, he has a good position in the company and has been very busy with continuous projects and upgrades.
In short, we worked hard during the past almost two years for our wedding and our future as husband and wife.
Right now, I am filming an upcoming movie with big stars in the generation today. Malapit na rin matapos ang shooting namin lalo't nalalapit na pag-apak ng ber months at ipapalabas na ito sa mga cinehan sa Disyembre.
"Ready? Rolling! Lights, camera, action!" I shouted passionately and intently watched the scene we were filming.
At this point, I have never got tired of my work yet. Nage-enjoy akong tunay. Every day is a new experience for me. Ang dami ko pa ring natututuhan na hindi ko nalaman noong estudyante pa ako.
I liked working with veteran actors too. It is safe to say that my circle has grown to have celebrity friends. Normal na sa akin 'yon. Noong una, palagi pa akong nasa-star struck tuwing makakakita ng artista pero ngayon ay normal na tao na lang sila sa akin. May mga araw pa ngang may biglang tatawag sa aking aktor para lamang magkwento sa mga shino-shoot nila.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...