Twenty-five

3.8K 90 10
                                    

"Ma, nawawala 'yong towel ko sa bag!" sigaw ni Micah mula sa second floor.

"Ayan ang sinasabi ko sa 'yo. Ikaw ang nag-ayos niyan, Micahela, kaya 'wag mong hinahanap sa akin ang nawawala mong gamit!"

"Eh! Balikan n’yo po. Hindi pwedeng wala akong tuwalya sa camp namin 'no," utos nito sa magulang niya.

"Hindi na babalikan 'yon at didiretso kami ng biyahe pa-Batangas. Humiram ka muna kay Belle. Hindi mo kasi sinisigurado kung kumpleto ang gamit mo!" pangaral ni Tita kay Micah.

"Ano ba 'yan!"

"Ano 'ka mo, Micahela Anch?!"

"Wala po! Tinatawag ko si Belle," paliwanag niya. Sinenyasan ako ni Micah na umakyat at sumunod sa kaniya sa kwarto.

"Ay siya na, mag-ayos ka na rin ng gamit mo at bukas nang umaga ang alis ninyo," utos sa akin ni Mama. "'Wag na masyadong malaking bag ang gamitin, Esther Belle. Tatlong araw lang naman kayo roon. Pitong panty lang at limang pares ng damit, ayos na."

"Ayan ang sinabi ko sa best friend mo, Belle. Naloka ako at sampung pares ng damit 'yong inempake niya. Hindi naman kayo makakagala sa Baguio araw-araw!" sumbong sa akin ni Tita. "May dala pang tatlong sapatos kaya ang daming bitbit na bag! Tapos sa huli niyan, mahihirapan siya tapos ikaw pa ang pagbibitbitin."

Mahina akong natawa at naka-relate sa sinabi ni Tita. Kanina nga ay nagulat ako noong dumating sila rito. Dalawang malaking bag ang dala ni Micah at may baon pang stuff toy at unan.

"Nakakaloka, sabi kasi nila, may camp daw na hindi malinis 'yong higaan! Kaya nagdala ako ng unan at kutson."

"Sa tingin mo talaga, papayag ang Solara na hindi maganda 'yong accommodation na nahanap nila?" balik kong tanong.

"Hindi mo sure 'no! Mas kinakabahan nga ako, ang dami kong nabasa na horror stories lalo na sa Camp John Hay! Hindi ko kaya, Belle. Baka mas piliin kong sumiksik sa kama mo tuwing gabi," aniya.

"Bakit ka kasi nagbasa? Edi buong recollection natin 'yan ang iisipin mo. Bahala ka, hindi kita sasabayan maligo, ha!"

"Eh! Sabay tayo. Hindi ko talaga kaya mag-isa, best friend. Baka mabalita pa sa news na may estudyanteng hinimatay sa camp nila dahil sa multo."

"Hindi pwede! Ano 'yon? Kada maliligo, sabay tayo? Tutuksuhin ka nina Trisha, sige," banta ko sa kaniya.

"Wala akong paki 'no! Gusto pa nila, sumabay na rin sila sa atin."

"Ewan ko sa 'yo! Bawasan mo na lang 'yang damit mo at nagsumbog sa akin si Tita kanina."

Umikot ang mga mata ni Micah at walang enerhiyang tumayo at naglakad palapit sa akin. Hinayaan ko na siya roong pumili ng mga damit na dadalhin niya.

Habang ginagawa niya iyon ay inumpisahan ko nang tiklopin ang mga damit ko. I chose five outfits just like what Mama said. Sinobrahan ko 'yong under garments ko in case lang na magkaroon nang emergency at may extra pa ako. Mga bago rin iyong dinala ko at hindi pa nagagamit para kung sakaling may kaklase man akong kailanganin noon ay may maibibigay ako.

"Dala ko 'tong iPad 'tsaka digital camera ko. Sa tingin mo, ico-confiscate 'to pagdating doon?" ani Micah.

I shrugged. "Siguro? May possibility na i-confiscate para makapag-focus tayo sa camp. 'Yong digital camera na lang ang dalhin mo. Tingin ko naman, ibibigay rin sa atin kapag last day na."

Tumango siya sa akin at nilagay ang kaniyang iPad sa study table ko. Pagkatapos ay muling bumalik sa ineempake at ngayon ay pinakita naman ang mga canned foods at tsitsirya sa bag.

Hindi ko napigilang tawanan ito ngunit sinamaan ako ng tingin ni Micah at pinaliwanag pang nagdala siya noon para may makain kami sa camp. Hinayaan ko na lang pero pinaalis ko iyong iba dahil baka kuhanin din iyon sa kaniya kapag nakita.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon