Six

4.9K 154 19
                                    

"H-U-M-S-S! Laban Humanista!" Dinig ang malakas na sigawan ng mga estudyante sa HUMSS.

"Let's go, GREEN! Si-Sistema! Sulong, STEM-Sistema!" sigaw sa kabilang bench.

"Wah! Ang pogi talaga no'ng captain ng basketball team natin, Belle!" Hinampas ni Micah ang balikat ko.

We are currently watching a basketball game of HUMSS and STEM. Umuugong sa buong gym ang sigawan mula sa magkabilang strand. The game is a close one. Lamang ang STEM ng limang puntos at kasalukuyang nasa third quarter ngayon.

"Yell Yellow!" sigaw ng isa sa cheerleading team namin.

"HUMSS! Arangkada Humanista!" Nakisabay sa sigawan si Micah.

Ako ay pumapalakpak lamang. I am saving my voice for another sport. Kasunod kasi nitong laban sa basketball ay ang laban nina Noah mamaya sa badminton duo category. I heard we are also going against STEM later. Sina Nathaniel ang makakalaban nina Noah. 

I am not sure though if his partner will play later. Huli ko kasing nood sa laro niya ay iba ang naglaro. Na-injured daw sa training 'yong partner niya.

"Nakakaloka!" sigaw ni Micah. "Ang dikit ng laban!"

Tiningnan ko ang score board. Lamang pa rin ang STEM pero dikit nga talaga iyon.

107-109. Isang two-pointer shoot lang ay mapapantayan namin ang score ng kalaban. Last minute na lang ang meron at nasa STEM ang bola.

"Agawin n’yo! Matatalo ako sa pustahan namin!" Dinig kong sigaw sa malayong upuan.

Screams spread through the whole corners of the gym when the captain of HUMSS team caught the ball. Binato iyon ng kalaban at nasaktuhang naagaw niya ang bola.

"Wah! Go! Go! Doon!" hiyaw ni Micah at tinuro ang side namin.

All our focus went to our strand's shooting guard when he got the ball. Maliksi itong tumakbo hanggang sa makapwesto siya sa three-pointer area. Isang beses niyang pinatalbog ang bola sa sahig at saka naghandang ibato ang bola.

Kasabay nang pag-shoot niya ay ang malalakas na singhap sa pwesto namin. Ang ibang estudyante ay magkakahawak na ng kamay. Dalawa lamang 'yan. Tatalon sila sa tuwa kung pumasok sa ring ang bola o tatalon sila sa bigo dahil tumalbog palabas 'yon.

"Shoot, please!" bulong ni Micah na mahigpit na ring nakahawak sa akin.

"Gomez, three points!" the announcer said.

"Ahh!"

Natawa ako nang sabay-sabay nagtalunan ang mga katabi ko pagkapasok ng bola sa ring. Hindi rin nagtagal ay tumunog ang buzzer sa gym, naghuhudyat na tapos na ang laro.

"Wah! Isa na lang, pasok na sa championship!" Nakipag-apir si Micah sa katabi niya. Taga-ibang section 'yong babae pero naka-close na niya.

Paano'y sa loob ng apat na laro sa basketball ay kami-kami lang din ang magkakatabi. We never missed a game. Gusto kasi ni Micah manood palagi dahil na gagwapohan daw siya roon sa captain namin.

"Malakas daw 'yong ABM basketball team! Wala pang talo," kwento sa akin ni Micah habang kami ay saglit na tumambay sa canteen. Naghihintay kaming magsimula ‘yong laro sa badminton. 

"Nakakaloka ka! Bakit ka nagbabasa ng libro natin? Mula no'ng tryout n’yo sa badminton ganiyan ka na!" reklamo ni Micah at hinablot ang hawak kong libro.

"Akin na! Nag-aaral ako!" Inabot ko ang librong tinaas niya. "Pagkatapos nitong intrams, baka tadtarin tayo ng activity at quiz ng teachers."

"Ano naman?" aniya. "Hindi bagay sa 'yo, Belle. Para kang nagpapanggap mag-aral!"

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon