Thirty-five

3K 65 24
                                    

Noah Suarez

I didn't care. I didn't want to.

I barely know her. Bilang sa kamay kung ilang beses kaming nagka-interact.

I could read her though. Halata sa mata nito ang kaba tuwing kinakausap ako. Like I would eat her on the spot.

"Noah, gusto mo bang i-tutor si Lacoza sa GenMath?" tanong sa akin no'ng isa sa mga guro namin.

Gumusot ang mukha ko sa suhestiyon ng guro. Baka hindi ako maka-survive sa babaeng 'yon. Masyado siyang carefree.

I could not remember when was the time she got sad over a failing score or a low score.

Ikikibit-balikat niya lang 'yon na para bang hindi nakasalalay ang kinabukasan niya roon.

Like what she did just now. Nakangiti pa rin kahit ipinangalandakan na ni sir ang score niya sa quiz namin. Imbis na damdamin 'yon, mas pinili niyang itawa ang bagsak na score sa GenMath.

I couldn't believe her! She was one of the three students who failed. The other two were not proud of their score and obviously were sad.

Paano niya nagagawang tumawa?

"Hindi ko rin nasagutan 'yong iso-solve sa last part! Nilagay ko na lang, totropahin po." Malakas na nagtawanan ang magkaibigan na si Micah at Esther.

Somehow, I felt so irritated.

I couldn't even care because she is definitely the type who does not mind getting low grades on her subjects. She most likely would settle with the bare minimum.

Pinakaayaw ko iyon sa lahat. Kampante masyado sa buhay na sa pag-aaral ay wala nang paki. Nagsasayang ng tuition.

"Kagrupo ko si Belle sa Creative Writing!" tuwang sabi ni Riggs.

I almost laughed sarcastically. Sana lang ay 'wag sumakit ang ulo niya sa babae.

Ako ngang hindi pa nararanasan na maging kagrupo si Esther ay nase-stress na sa kaniya. Paano pa kaya si Riggs?

"Good luck," I meaningfully said.

Kayanin niya sana ang kulit noong babae na 'yon. Kapag ako ang naging kagrupo no'n, hindi ako papayag sa gano'ng ugali niya. Pahihirapan ko para tumino. Makita ko lang ni-isang beses na hindi siya nagseryoso, tatanggalin ko siya.

I have no mercy. If they don't value their studies, I don't like them. I won't like them.

"Lacoza might fail her General Mathematics if she doesn't take time to study the subject. Nahihirapan siya at hindi rin humihingi ng tulong sa akin. Can you reconsider tutoring her, Suarez?"

He promised me incentives. A big incentive that would make me secure high credentials. I know, it's tempting. Kung ibang estudyante 'yon, hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin. Pero dahil si Lacoza naman, kanila na lang 'yang high credentials na 'yan.

Ayaw ko. Hinding-hindi magbabago ang isip ko. Hindi ako magtu-tutor ng ganoong klaseng estudyante.

I was firm with my decision. Kahit pa mga kaibigan ko na mismo ang pumilit sa aking tanggapin ang alok ng aming guro, hindi ako pumayag. Even when she'd fail or retake the subject, so be it.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon