"Anong ginagawa mo rito?" Kunot na kunot ang noo ko nang lumabas.
Nakaporma na si Noah nang panlaro niya ngunit wala siyang ibang dalang gamit kung hindi ang cellphone niya at kotse.
"Noah. . ." ulit ko.
"Babe, how did the interview go? Umiiyak ka kanina," tugon niya.
Napailing ako sa frustration na unti-unting bumalot sa aking katawan. Nilapitan ko siya upang tulakin nang marahan.
"Nandoon ka dapat sa school. Magsisimula na 'yong laro mo, anong ginagawa mo rito?"
"I just want to check if you're okay po."
"Noah, pupunta ako roon. Makikita at makikita mo ako, hindi na kailangan pang pumunta rito pero tanungin ito!"
"But, babe. . ." Hinagilap niya ang kamay ko. "I was worried. Hindi ko na kinayang maghintay pa. Alam kong umiyak ka kanina kaya gusto kong malaman anong dahilan."
"Ayos ako, Noah! Naging emosyonal lang ako dahil sa in-interview ko, pero okay ako. Ang nonsense nang pagpunta mo rito! Sinasayang mo 'yong oras na nilaan sa 'yo ni coach! Bumalik ka sa school."
"Sabay na po tayo." aniya.
"Hindi, hihintayin ko si Mama. Bumalik ka roon."
"Hintayin natin parehas. Sabay tayo roon, please."
"Noah Wren! Madi-disqualify ka, ano bang iniisip mo? Napakatanga niyang naisip mo na puntahan ako rito! Sana pinagisipan mo muna nang matagal bago ka umalis doon," inis kong sabi.
"Babe, I'm sorry. Naisip ko lang na baka kailangan mo nang makakasama. Nag-alala ako. . ."
"Hindi ko kailangan, Noah. Bumalik ka na roon dahil kapag ikaw na-disqualify, hindi ko na lang alam," banta ko.
Noah looked at me with much concern. He gently held my hand and massaged it lightly.
"I'm really sorry po. Nag-alala lang ako at hindi ako mapakali kanina kasi iniisip kita. If what I did is stupid, then I'll be stupid," he uttered. "Sabay tayo bumalik sa school, please."
"Hindi," pagtatapos kong sabi. "Babalik ka roon mag-isa. Kanina ka pa hinahanap nila coach."
"I'm sorry. . ."
"Galit ako, Noah, kasi ilang araw kang nag-training para dito. May pinangako ka pa sa coach mo. Sa tingin mo, anong mararamdaman ko kung ma-disqualify ka at ako ang dahilan, huh?"
"I know."
"Umalis ka na. Susubukan kong humabol."
"Susubukan?" Nakakunot ang noo niya nang tingnan ako.
"Hahabol ako," pagbabago ko sa sinabi. "Umalis ka na, please, Noah."
"I'll go now." Humakbang siya palikod nang hindi inaalis ang mga mata sa akin.
He then opened the door of his car and faced me again. "Are we fighting, babe?"
"Depende kung anong kalalabasan ng laro mo."
His eyes reflected concern as I looked at them. Mahaba ang buntong-hiningang pinakawalan ko. Ayaw ko pa ring magpatibag kahit halata ang lungkot sa mukha niya.
I just really find his decision stupid. Sobrang pinaghandaan niya ang laban niya sa badminton tapos dahil lang sa nag-aalala siya sa akin ay bigla niya iyong iiwan.
I know the Noah before would never do that. He is a man of determination. When he sets his mind on one thing, he will never let anything distract his goals and plans. Kaya hindi ko nagustuhan ang ginawa niya.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...