Ang hirap. . . ang hirap pala kapag tumatakbo ang oras na walang kasiguraduhan.
Iyong wala kang kasiguraduhan kung saan ka tutungo o may patutunguhan ka ba. Nangangapa kung makakabalik ka pa ba sa dati mong buhay. Makakamit mo pa ba ang buhay na 'yong pinangarap.
A year of uncertainty is a year full of emptiness for me. Ang hirap masyado gumising sa araw-araw na alam mong nakulong ka sa buhay na hindi mo naman ginusto pero kailangan mong makasanayan.
Wala akong magawa. Wala akong takas dahil ako ang panganay at ako ang tanging tatayo para sa pamilya ko.
My mother can no longer hold a spatula. My sibling is still a minor. Ako na lang talaga. Ako lang ang kayang magsakripisyo.
Naiwan ako sa kalsadang walang katapusan at hindi ko makita ang dulong naghihintay para sa akin. Kaya gaya nang sinabi ko, ang hirap pala.
"Ate, 'yong balance sa school noong last sem, hindi pa nase-settle. Hindi po ako malista sa kukuhaan ng graduation pic dahil hindi pa bayad," muling paalala sa akin ng kapatid.
"Ayos lang ba kung sa sweldo ko na mabayaran, Esiah? Tight kasi tayo sa budget. May check up pa si Mama. 'Yong hawak ko ngayon, budget na natin hanggang susunod na sweldo."
"Sige po, Ate. Basta 'wag mo po kalilimutan."
I nodded at him.
Kakauwi ko lang galing sa trabaho ko. I got a full time call center work at a decent company. Medyo malaki naman ang sahod pero may mga buwan talagang hindi nagkakasya dahil maraming bayarin.
Mama's been getting treatment for her disease. May kamahalan ang mga gamot niya at malaki ang binabawas noon sa sweldo ko. Dagdag pa ang monthly check up niya kaya minsan wala na talagang natitira na pang-ipon ko kada sahod.
Esiah got a half scholarship in Solara. Malaking tulong na rin dahil twenty-five thousand na lang ang binabayaran ko kada sem.
While I completely stopped studying. Binitawan ko na. Hindi na kasi kayang pagsabayin dahil eight hours palagi ang trabaho ko. Inaalagaan ko pa si Mama pagkauwi kaya wala nang oras para sa pag-aaral ko.
Hindi ko rin nagawang habulin 'yong major exams na hindi ko na-take noon. I failed three subjects. Dropout ang resulta.
"Dean's Lister ulit ako ngayong semester, babe," kwento sa akin ng nobyo.
Sa totoo lang naiinggit ako. Noah is now in his second year. Nalagpasan na ang unang semester at ilang buwan ay makakatungtong na sa third year niya.
It's hard to react when he tells me news about his studies. I feel bad. May mga panahon na nagiging dahilan na 'yon nang pag-aaway namin.
The last time we fought seriously was when he finished his first year. Kagagaling ko sa trabaho at pumunta siya sa bahay para ipaalam sa aking pumasok siya sa President's List.
"'Yong sa physics nga, akala ko hindi ko na mafa-flat uno pero-"
"Pwede ka na bang umuwi? Inaantok na kasi ako, Noah. Maraming calls kanina, ang hahaba pa no'n. Hindi ko na kayang makipagkwentuhan sa 'yo."
"You don't have to speak, babe. Ako ang bahala magkwento, makinig ka lang."
I knew he was just so happy that time. Syempre, sino ba naman ang hindi kung nakapasok siya sa President's List? Parang with highest honors na ang katumbas noon sa senior high. Isa pa, kapag consistent na ganoon ang GWA niya kada year, mas malaki ang tiyansa na makatapos siya na may mataas na latin honors.
Ngunit masyado akong kinain ng pagod at stress noon na hindi ko kinayang pakinggan 'yon lahat. Wala na akong enerhiya para maging masaya pa para sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...