"Babe, what happened?" Hinihingal pa si Noah nang lumuhod sa harapan ko. Hinagilap niya ang kamay kong nanlalamig dahil sa kabang may mangyaring masama kay Mama.
"Nahimatay si Mama. . ." panimula ko. "May nagreklamo kasi sa restaurant kanina. May. . . may uod daw 'yong pagkain nila. Tapos. . . tapos. . ."
"Shh, calm down, Esther. Breathe first."
"Hi-hindi ko alam anong detalyadong nangyari. Basta pagdating ko roon, nagwawala na 'yong customer."
"Kailan nahimatay si Mama? Sinaktan ba siya no'ng customer?"
"Noah. . . sinampal si Mama kanina," sambit ko sa nanginginig na boses. "Sinigaw-sigawan siya kanina. Pinahiya sa harap ng maraming tao. Tapos pagkaalis no'ng customer, na-natumba na lang siya bigla."
Malakas akong humagulgol nang biglang kumalat ang takot sa aking katawan. Noah pulled me into a soothing hug and then tapped my back.
"Mama will be okay. Baka stress lang at pagod sa trabaho. Let's hope it's not that serious, okay?"
"Natatakot ako, Noah. A-Ayaw ko na nang ganito. 'Yong kay Papa lang, ang hirap na sa aking tanggapin. Hindi ko na kakayanin kapag pati si Mama. . . mawala."
"No, babe. Hindi mawawala si Mama. We'll make sure she'll get every treatment she needs." Noah firmly held my face and stared at me with intense eyes. "Nothing bad will happen. Ganiyan ang iisipin natin. Ayos lang si Mama."
"Ayos lang si Mama," ulit ko.
"Ate!"
Lumipad ang tingin ko sa pinanggalingan noong boses at nakita ang tumatakbong kapatid. He mirrored the same emotions as mine. Puno rin ng takot ang mukha niya.
"Esiah. . ." ani ko sa nanghihinang boses.
"Anong nangyari? Nasa'n si Mama, Ate?"
"Hindi pa nagigising hanggang ngayon. Tiningnan na siya ng mga doktor kanina, hinihintay ko na lang 'yong resulta."
"Hindi pa siya pwedeng makita?"
"Pwede naman."
"Bakit ka nandito, Ate?"
Dahil hindi ko masikmura na makita si Mama na nakahiga roon sa loob. Tuwing makikita ko ang namumutla niyang balat ay sumisikip ang dibdib ko at parang pinipilipit ang aking tiyan.
"Hinihintay ko kayo. . ." pagsisinungaling ko.
Tumango sa akin si Esiah. "Anong nangyari sa restaurant, Ate?"
"May nagreklamo raw na customer, Esiah. Mukhang hindi kinaya ni Mama ang stress at pagod kaya bumigay na ang katawan niya." Si Noah ang sumagot.
"Ahh. . ." Mariin kinagat ni Esiah ang kaniyang labi at nag-iwas ng tingin sa akin.
He had that guilty look plaqued in his face. His eyes showed hesitation. Na parang may gusto siyang sabihin ngunit natatakot siya sa magiging reaksyon ko.
Kumunot ang noo ko roon. Hinablot ko ang kaliwang braso nito at pwersang pinaharap sa akin ang kapatid.
"May alam ka ba, Esiah?" tanong ko.
"Po? Saan, Ate?"
"Sa restaurant. Kayo ni Mama ang palaging magkasama roon dahil sumasabay ka sa kaniya pauwi," aking saad. "Sinabi no'ng customer kanina na marami na raw sabi-sabi tungkol sa restaurant natin. Pangit ang service dahil ang bagal i-serve ng mga pagkain. Ang laging rason, nakakalimutan ang order nila. Totoo ba 'yon, Esiah?"
"Ate," anas ng aking kapatid. "Ngayong December lang naman nagsimula. Nabawasan kasi 'yong staff ni Mama kaya halos siya ang gumagalaw—kumukuha ng mga order, nagluluto, at saka nagse-serve. Tapos may isang araw na may nagreklamo kay Mama kasi halos isang oras na raw siyang naghihintay noong order niya pero wala pa rin. Ang sinabi ni Mama, nakalimutan niya raw. . . naiwaglit sa isip."
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
Roman d'amourTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...