"Bakit ka nakasimangot diyan, Belle?"
"Ha? Hindi naman." Pilit akong ngumiti rito.
I somehow feel down because of the group selection outcome.
"'Wag mo nang isipin na ikaw ang huling napili!" pag-aalo sa akin ni Riggs.
Sa totoo lang ay wala naman akong pakialam na ako ang natira kanina. Masakit lang siguro sa akin ang hindi mapili ng lalaking gusto kong maging kagrupo. But I just had to accept it. Cian is a good member. May katalinuhan din kaya siguro pinili ni Noah.
"Don't take it negatively kung saan man kayong grupo napunta ah," wika ng guro. "Wala 'yan sa mga member. Nasa dedikasyon n’yo 'yan sa paggawa ng book project. Sa mga lider, hindi porket maaayos ang mga napili n’yo ay makakampante na kayo. H'wag sana ako makarinig na wala kayong ginagawa sa grupo ninyo."
"Ma'am, kapag walang dulot 'yong leader, pwede palitan?" tanong ni Faye.
"Walang babaguhin sa naging groupings. Isumbong n’yo na lang sa akin 'yan sa evaluation."
I glanced at Noah's group. Beside him is Micah who is radiating with much happiness. Pinili siya ng lalaki kanina.
"Uy, Belle. Akala ko pipiliin ka ni Wren kanina! Kasi sabi niya sa amin—"
"Miss?" Nagtaas ng kamay si Noah upang kuhanin ang atensyon ni ma'am. "Maingay po kasi si Riggs sa grupo nila. Hindi ako makapag-focus sa pinaguusapan."
"Mamaya na ang kwentuhan, Velasco," sita ni ma'am kay Riggs.
Pasikreto namang nag-usap ang dalawang magkaibigan gamit ang kanilang mga mata. Sa huli ay mahinang natawa si Riggs at saka tahimik na nakinig.
For the remaining time in our DISS, our teacher reminded us of the flow of the book project. Kung kailan ipapasa ang unang draft at kailan naman ang deadline noong final book project. Ipapasa rin daw iyon na hard copy kaya inabisuhan na kaming magkolekta ng budget para doon.
Napagkasunduan naming magkaklase na isang seksyon kaming magpapa-print noong libro. Mas maganda rin 'yon para hindi kami mahirapan sa paghahanap ng printing shop. So, for the next two days, we started collecting our paper funds. Araw-araw ay nagbibigay kami ng 15 pesos sa aming treasurer.
"Gumana ang prayers ko!" tuwang-tuwa na sabi ni Belle sa akin, kinukwento muli ang pagpili sa kaniya ni Noah. "Para akong na-electric shock no'ng binanggit niya ang apelyido ko, Belle! Sino ang mag-aakala, 'di ba?"
Hindi ko sinagot ang kwento niya. I think I am pass that already. Gusto ko na lamang kalimutan ang naging pagpili noong nakaraang araw. Sa ngayon, pokus muna ako sa magiging proposal namin bukas.
"Ma, nalabhan mo na po ba 'yong blazer na sinabi ko sa inyo kahapon?" tanong ko kay Mama.
"Oo, anak. Nilagay ko sa cabinet mo. Hanapin mo na lang doon." Tumango ako. "Para saan pala 'yon, 'nak?"
"Title proposal po namin bukas, Ma."
"Gano'n ba? Magbaon ka pala bukas ng maraming pagkain! Bigyan mo rin si Micah para may laman ang tiyan niya bago mag-present."
"Sige po, Ma. Magbabaon po ako."
"’Yong isa mo rin palang kaibigan, babaonan ko rin."
"Hala, 'wag na, Ma!" agap kong sabi.
"Aba, bakit hindi, anak? Si Micah ay babaonan natin pero iyong Noah ay hindi?" inosento niyang tanong. "Kahit hindi mo pa siya nadadala rito sa bahay, kaibigan mo siya. Ako na ang bahala bukas. Siya na, matulog ka na nang hindi kalawangin ang utak mo bukas."
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...