My heart never beat this wildly for my nineteen years of existence. Ngayon ay halos kumawala iyon sa aking dibdib at magpakita sa lalaking dahilan kung bakit masayang tumitibok ito. It seemed like it wanted to let Noah know that it was beating only for him.
Noah's answer sounded like a confession. O baka gusto kong ganoon ang maging tunog noon. Kung pwede ngang ipaulit sa kaniya 'yon ay hihingin ko para lang tumatak at magtagal 'yon sa aking isip.
"Did that answer your question?" he asked. "Kung hindi, pag-iisipan ko ulit. Bigyan mo ako ng isang araw tapos tanungin mo ulit sa akin 'yan."
"A-Ayos na 'yon sa akin."
"Don't you want to clarify something?"
"Ano. . . 'yong sa quiz bee! Oo, 'yon pala. Sasali ka ba roon?"
Narinig kong mahinang tumawa si Noah bago nakangusong tumango.
"Sasali. Nilista ako ng adviser namin."
"Ahh! Ako rin, nilista kasi kada section 'yon, 'di ba?"
"Magkalaban pala tayo," aniya.
"Oo, pero sana manalo tayo para maging magka-team tayo sa finals."
Ang gaganapin kasing quiz bee ay para lamang sa pagfo-form noong magiging team ng HUMSS sa final competition kung saan iba't ibang strand ang maglalaban. Apat ang kailangan na member at umaasa akong ang dalawang pwesto roon ay maging sa amin ni Noah.
"Magpapa-tutor nga ulit sana ako kaso nga lang busy si Ate Nexa mag-aral eh. Kung wala siyang mahanap na kapalit, baka mag-self review na lang ako."
"Ate Nexa? She's my cousin."
I gaped because of that information! Hindi ko alam ang bagay na 'yon dahil wala kaming napaguusapan ni Ate Nexa tungkol sa personal na buhay namin. Hindi rin nakakapagtaka dahil sa talino ni Ate Nexa ay halatang dumadaloy sa kanilang dugo ang pagiging matalino.
"She's a Corazon. Pinsan ko siya sa side ni Mama. I didn't know she tutors you."
"T-Talaga? Wala akong idea na magpinsan kayo."
"Oo, siya ang tutor ko no'ng elementary ako. We haven't seen each other often lately, pero nakwento na siguro kita sa kaniya kung nagkikita kami."
"Nakwento na niya ako sa 'yo?" pagkaklaro ko.
"And vice versa," he blurted. "How about I tutor you instead? I'm also a good teacher like her."
"Hala, 'wag na! Baka busy ka."
"I can allot time for you. Kaya kung busy siya, ako na lang. Magaling din ako, Esther."
"H-Hindi ko naman sinabing hindi ka magaling. . ."
"I'm sorry, I'm a little competitive with these things. Pero totoo 'yong sinabi ko. Maybe even better than Ate Nexa. I give banana milk for free."
Lumitaw ang malawak na ngiti sa aking labi nang matawa sa sinabi ni Noah. He's so cute trying to prove a point.
"'Tsaka makakapag-aral ako habang tinu-tutor ka. It's a win-win situation for both of us."
"Okay, pero"—ngumuso ako—"ikaw ang magsabi kay Ate Nexa."
"I will message her when I get home."
"Dito siya sa bahay nagtu-tutor. Malayo ang bahay n’yo, okay lang ba sa 'yo?"
"There's no problem with that. Pwede akong mag-drive papunta rito. 'Tsaka lumipat na rin ako sa bayan this week."
"Lilipat kayo ni Tita Yula?"
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...