Forty-four

3.2K 74 15
                                    

"Congrats, Belle!" 'Yan ang iilang bati sa akin nang makauwi ako sa bahay.

A lot of friends from senior high and college were there to celebrate my graduation. Kahit iyong mga naging kaibigan ko bago ako mag-stop noon ay nandito. Kahit si Ate Nikka na busy sa kaniyang sunod-sunod na proyekto ay pumunta para samahan ako sa araw na iyon.

"Ang bebe girl namin, graduate na!" Mahigpit akong niyakap ni Ate Nikka. "Congrats, Belle! Grabe 'yong Summa Cum Laude!"

"Thank you po, Ate. Mabuti at nakapunta kayo ngayong araw."

"Saglit lang dahil may work pa ako mamaya. I can't miss this day kaya! 'Yan ang lagi naming napag-uusapan nina Ate Kim mo. Nakaka-proud na ngayon ay natupad mo na."

"Sa susunod po, mundo ng entertainment naman!" turan ko.

"Ay, for sure, kaya mo 'yan. Pinapanood ni sir 'yong thesis n’yo sa amin, ang ganda kaya," puri niya. "You have a bright future! Sana sa susunod, ikaw naman ang makatrabaho ko."

I smiled widely at her and hoped for that too. Ang tagal na niya sa media at hindi makakaila ang galing nito sa pagdi-director. Kaya magiging isang achievement sa akin kung katulad niya ang makatrabaho ko.

"Congrats, Belle! Naiiyak ako!" bulalas ni Trisha. "From rank 500 no'n, naging With Honors, tapos ngayon Summa Cum Laude na! Feeling ko tuloy ako ang nagluwal sa 'yo."

"Nakaka-proud talaga, 'di ba? Ang galing mo, Belle!" muling puri sa akin ni Faye.

"Thank you, guys. Ganoon siguro talaga kapag inspired," pagbibiro ko. "Biro lang! Basta ramihan n’yo lang ang kain ha! Balikan ko kayo maya-maya, aasikasuhin ko muna sina Mama."

Tumango ang mga dati kong kaklase sa akin hudyat upang tumalikod ako. Ilang tao pa muli ang binati ko sa bawat table na nadaanan bago nakarating sa pwesto nina Noah.

"Hindi pa po pagod?" bungad na tanong sa akin ni Noah.

"Kaya pa," sagot ko kaagad. "Ma, marami na po ba kayong nakain?"

"Oo, anak. Sobrang dami, tingin ko maeempacho na ako!" aniya. "Sina Anj ba nasaan na? Ang tagal nila. Nako, nauubos na ng mga kabataan ang handa."

"Malapit na raw po kanina eh. Hihintayin ko na sa labas," paalam ko. "Sama ka, babe?"

"No, it's fine. Samahan ko muna si Mama."

"Okay, sunduin ko lang saglit," bulong ko at saka saglit na hinaplos ang likod ng lalaki.

Kinuha ko ang telepono sa aking bag at naglakad palabas ng bahay upang hintayin ang kaibigan. Magkasabay si Reiko at Micah pumunta rito. Na-late sila dahil mga galing pa sa trabaho.

"OMG! Happy graduation, girl!" Tumili si Reiko bago ako sinalubong ng yakap. "Pwede nang dumiretso sa altar!"

I lightly laughed at her teasing and jokingly rolled my eyes at her.

"Hindi na kayo umuwi sa bahay?" tanong ko sa kaniya.

"Hindi na. Tingnan mo naman, straight from stressful work pa ang attire ko. It's giving workaholic!"

Pinasadahan ko ang suot niya at pahapyaw na tumawa dahil may suot pa itong I.D. sa trabaho. Pormal na pormal din ang suot at maayos ang pagkakatali ng buhok.

"Hi, hija! Congratulations," bati sa akin ni Tita Anj. "Narinig ko kay Ancia kanina ah. Summa Cum Laude raw?"

"Opo, Tita."

"You are so good, hija! Panigurado, proud na proud si Timotheo sa 'yo."

"Congrats, Belle!" Napunta ang tingin ko sa kalalabas lang sa kotse na si Micah.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon