Five

4K 113 20
                                    

Tingnan ang comments ni sir sa paper namin ang una kong naisip kaagad na gawin. Hindi ko maintindihan iyong sinabi ni Noah.

I've read my part numerous times before transferring it to our docs. Siniguro kong walang maling spelling, tama ang grammar, at maayos ang mga citation.

Hindi ko alam kung ano ba ang expectation niya sa akin, pero alam kong maayos ang gawa ko sa part ko. Doon lamang ako pinakatiyak.

This is considered plagiarism. Please check the citation and paraphrase this part.

Practice not depending on AI. Rephrase this one.

Iyon ang mga komento ni sir sa part namin ni Joanna. Partikular, sa part ni Joanna.

Bigla ay naalala ko 'yong araw na fininalize 'yong research namin. I was too occupied with our draft in DISS. Dahil sa aberyang nangyari, hindi ko na na-check 'tong part namin ni Joanna.

Dalawang ang namarkahan ng pulang highlight ni sir doon. Parehas ay nasa part ni Joanna.

Chapter One - 98
Chapter Two - 79
Final Grade for paper - 89

I had to read that repeatedly to ensure I saw the numbers right.

The guilt came creeping into my spine. Iyong chapter two ay tumuntong na ng line of seven. Ang laki ng hinatak noon sa final grade namin.

89. . .

Kung sa akin ay mataas na 'yon. . . paano si Noah? Ito siguro ang unang beses na nakakuha siya ng line of eight na grado.

I can't bear thinking of that. Sobrang guilt ang naramdaman ko.

If I just gave some time that day for our research, na-check ko sana ang part ni Joanna. Baka ay naayos ko pa 'yong gawa niya.

Nakakahiya masyado! Paano kung kumalat sa school na may plagiarism sa research paper ni Noah? That might affect his overall image as the top student in our campus.

"Napakairresponsable ko! Panigurado mahahatak noon 'yong grade niya sa PR," I ranted to Micah.

I am already sobbing. Hindi ko na kayanan ang bigat ng dibdib ko. I needed to let it out.

"Hindi pa natin alam 'yan, Belle. Malay mo mahatak din noong activities at recitation niya?" pag-alo sa akin ni Micah. "And please, give yourself a break. Hindi mo kasalanan na noong araw na 'yon ay nagkaroon ng issue sa draft n’yo sa DISS, okay? 'Wag mo lahat isisi sa 'yo."

Kasalanan ko rin 'yong sa DISS namin dahil hindi ako nag-save ng kopya noong part ko. Nagpakampante ako.

"At galit ako kay Noah 'no! Bakit sa 'yo kaagad ang buntong niya? Hindi niya man lang ba naisip na dalawa kayong gumawa noong part n’yo sa Chapter Two! Sino rin ba ang nagsabing mag-expect siya sa 'yo?"

"Ayaw ko siyang makita," bulong ko.

"Tama 'yan! 'Wag kang magpakita sa kaniya para malaman niya kung ano 'yong mali niya."

"H-Hindi." Nabasag ang boses ko. "Ayaw ko muna siya makita kasi nahihiya ako sa nangyari sa research namin!"

Tears flow freely in my face again. Micah just sighed and hugged me tightly. She kept telling me that it wasn't my fault. Ngunit hindi ko maiwasang isisi lahat sa kapabayaan ko.

Tama si Micah. Dapat hindi ako nagsipag-sipagan noon. Hindi ko kaya 'yong mabibigat na gawain. I'm not born for that. I was too confident just because I have Noah as my leader.

Akala ko kasi lahat iintindihin niya. He handled our group like a fragile glass. I thought it would be like that forever. Pero estudyante rin naman siya. He can immediately throw that fragile glass and break it out of frustration upon receiving a low grade. He can also be imperfect. Hindi lahat kaya niyang intindihin.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon