Love is sweeter the second time around, they say. And I couldn't agree more.
To still get a chance to love Noah in this lifetime is such a blessing for me. Hindi ko nga plinano na noong araw na 'yon, isang araw lang nang magkalinawan kami sa nararamdaman sa isa't isa, ay muli ko siyang mamahalin kung saan sigurado na ako.
Muli kong tatanggapin ang puso niya. Ilang beses ko pang pinaalala sa sarili ko na diploma muna pero hindi ko na napigilan.
He made me believe that my heart was only for him. Na tanging siya ang may kayang alagaan iyon na parang isang babasaging gamit 'yon.
And it was the best decision for us. Hindi ko man nakukuha pa ang diplomang matagal ko nang hinihintay, hindi rin naman siya nakalimot na bigyan ako ng balanseng oras para sa pag-aaral ko, aking pamilya, at sa aming dalawa.
He even tutors me when he has free time. Kahit pagod, dumidiretso sa cafe para sunduin ako tuwing pagkatapos ng shift ko.
Masasabi ko na ngang bahay niya na rin ang bahay namin. Lagpas sa tatlong beses siyang natutulog doon kada linggo. Nang tumagal ay naglipat na siya ng mga damit niya para kapag may pasok ay hindi na siya daraan sa condo niya upang magpalit.
"Sige na, susubukan ko lang ikulot at kung bagay sa 'yo!" pilit ko sa aking nobyo.
"Why don't you try it on your hair po? Maikli 'tong buhok ko."
"Gusto ko nga nang model eh. At saka kailangan sa film shooting namin next week! Ilang beses ko nang nakulot 'tong buhok ko kaya hindi na ako mage-enjoy," giit ko at saka sumimangot. "Kahit basain mo na lang 'yong buhok mo pagkatapos!"
"Okay, happy wife, happy life!"
He's still gentle with me and listens to me every time. Walang araw na makakaramdam ako ng lungkot dahil sa kaniya. The dull moments were overshadowed with his love. Kaya kahit pagod ako sa trabaho ko at mga ginagawa ko sa eskwelahan, nabubuo ako palagi tuwing gabi dahil siya ang nakakasama ko.
"Ayan! Kulot na." Tuwa akong humagikhik at saka binuksan ang cellphone upang kuhanan siya ng litrato. "Pogi!"
Tiningnan nito ang sarili sa salamin at humalakhak ako nang gumusot ang mukha niya.
"Pangit, hindi bagay sa akin," aniya.
"Grabe ka! Pinaghirapan ko kulotin 'yan," kunwari ay tampo ko.
"Joke lang po. Ang ganda! Pwede ko nang hairstyle 'to sa araw-araw," bawi niya at saka ako marahang tinulak paupo sa kaniyang binti.
Dahil doon ay pinatakan ko ng halika ang labi niya at lumawak ang ngiti nang hulihin niya ang labi ko.
"Maaga pala 'yong shooting namin bukas. Hindi ko alam kung anong oras matatapos."
"Ako ang sasama kina Mama sa check up niya. Don't worry, just focus on your shoot, okay?"
Tumango ako at niyakap ang lalaki.
He's been the best man to my family too. Madalas kasi ay busy na talaga ako sa school dahil nga fourth year na ako at siya ang nag-aasikaso kina Mama kapag wala ako.
He cooks for them, helps Esiah with his job, and even helps Mama on her small business. Siya rin ang dahilan bakit nagkalakas ng loob si Mama na magbukas ng business niya.
Nagbebenta siya ng ulam at sa online ang order noon. Advance ordering ang ginagawa namin para masigurong may kasama si Mama tuwing magluluto.
Hanggang ngayon ay maganda ang takbo noon at maraming bumibili ng mga ulam sa kaniya. Walang natitira sa mga niluluto niya sa araw-araw.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...