Thirty-eight

2.7K 76 38
                                    

"Nakakaloka ka! Tumayo ka na riyan dahil isang date na naman ang hindi mo sisiputin. Unting-unti na lang, Belle. Masasampolan na kita!" kay-agang sermon sa akin ni Micah.

Hindi ko pa nga nabubuksan ang mga mata ko pero ito na ang bungad niya sa akin.

"Inaantok pa ako! Late ako nakauwi kagabi dahil overtime kami sa cafe!" inaantok kong sigaw.

"Please, Belle. Pangatlo na 'to at kapag pati ito hindi mo pa sinipot, maloloka na kami ni Reirei sa 'yo. Wala ka nang idadahilan sa akin dahil Sabado ngayon, wala kang trabaho sa cafe at lalong-lalo, wala ka nang klase. Kaya please! Bumangon ka na riyan para mawakasan na ang pagiging hopeless romantic mo!"

"Micah, masama ang pakiramdam ko. Napagod ako sa trabaho kahapon. Tapos 'yong OJT ko pa. Pwede bang cancel na lang?"

"Esther Belle! Nakakaloka ka talaga, tatawagan ko na si Rei!" aniya at madiin ang bawat pindot sa kaniyang telepono. "Rei, si Belle, ayaw bumangon!"

"Oh my gosh, so stressing. Too early, Belle. Just this once, please. Ang dami naming sine-set na date para sa 'yo pero hindi ka pumunta ni-isa." Dinig kong boses ni Reiko mula sa speaker ng cellphone ni Micah.

"Pagod ako, promise! 'Tsaka, hindi ko naman kayo pinipilit na hanapan ako ng date. Wala nga akong interes, 'di ba?"

"Oh, stop it! It's been effing two years and you're still in that Cornelia street where Noah left you?!"

"Anong left? Wala na 'yon. Kinalimutan ko na 'yon."

"Kaya nga! Then go on a date! Wala namang mawawala."

"Mabubuhay ako kahit walang lalaki sa buhay ko, okay?"

"Please! Last na 'to," sambit ni Micah.

"Ano bang nakukuha n’yo rito?"

"Belle, ilang taon na. Malapit ka na ring makapagtapos sa pag-aaral mo. At hello? Si Reiko, happily in love na. Ako, engaged na!"

I groaned.

There they are again, reminding me that I'm the only one miserable in our group when it comes to love life.

Dalawang taon na nga ang lumipas mula noong nagkausap kami ni Noah. Nang sabihin ko sa kanilang dalawa 'yong nangyari ay agad nila akong pinilit na mag-move on na raw.

Because, for them, Noah only meant one thing. . . he's moved on and forgotten the possibility of us going back together again.

Sa dalawang taon na 'yon ay wala akong ginawa kung hindi mag-focus sa pag-aaral ko. Almost every day was the same routine. Except that I find peace and satisfaction every moment.

I successfully passed all my subjects from first year to second year. Consistent Dean's Lister pa at nakakuha rin ng full scholarship noong second year ko.

I also saw Noah's biggest achievement in his years of studying. When he graduated with Summa Cum Laude, I couldn't be more proud.

Isa ako sa mga pumalakpak noon. Isa ako sa umiyak noong nagsalita siya sa harap ng maraming tao. Isa rin ako sa umasang kasama niya ako sa achievement na 'yon.

I didn't see him after his ceremony though. Pagkatapos noong speech niya ay umalis na ako upang magtrabaho.

And just last year, Micah got engaged with Akio. I was there. I was one of the first few people Akio asked for Micah's hand.

"Engaged na ako!" Puno ng luha ang mukha ni Micah nang ipakita niya sa akin ang kaniyang kamay. "Belle, hindi ako makapaniwala."

"Hindi na ako nagulat. Dati, galit na galit ka pa riyan kasi ni-reject ka," panunumbalik ko.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon