"Micah. . ." masuyo kong tinawag ang kaibigan nang dumaan ito sa harap ko.
Inasahan kong tatabi siya sa akin ngayong lunch, pero kina Faye siya sumama. . . mula kanina pa. Sina Faye ay panay malungkot na tingin at ngiti ang binibigay sa akin. Ngunit, hindi ko sinisisi sa kanila ang pag-iwas sa akin ni Micah ngayon. Kung mas komportable ang kaibigan kong sila ang samahan ngayon, tatanggapin ko.
I'm just hoping Micah can give me some of her time so I can explain to her what happened that day.
"Hindi ka pa rin kinakausap?" tanong sa akin ni Akio pagbalik ko sa room.
Malungkot akong tumango sa lalaki na naging dahilan upang marahan niya akong tapikin.
"Sorry, Belle!" Si Clementine na yumakap sa akin. "Sinasabihan namin nina Faye na kausapin ka na pero ayaw talaga eh."
"Okay lang. . . susubukan ko mamaya ulit."
Kahit papaano'y naniniwala naman akong hindi magtatagal ang alitan sa amin ni Micah. Kilala ko si Micah at malambing na kaibigan 'yon. Mas pipiliin niyang ibaba ang pride niya kaysa hayaang patagalin iyon.
I remember the last time we had a huge fight. Bata pa kami noon at kasalukuyang nasa ikalimang baitang. She had her first crush then. Dahil bata pa ako, palagi ko siyang tinutukso sa lalaki at umabot sa puntong nasobrahan 'yon.
Nagalit siya sa akin at isang araw hindi kinausap. That time I thought our friendship would end. Isang araw lamang ang lumipas ay parang ang hirap na hindi siya nakakausap.
But turned out, she felt the same too. Kaya matapos ang isang araw ay lumapit din sa akin ang kaibigan. Ang nakatatawa pa ay siya ang humingi ng tawad kahit ako naman ang may kasalanan. Sabi niya ay naramdaman niya raw na masama siyang kaibigan. Hindi niya raw ako sinamahan kumain sa recess kahit pa nakita niya namang wala akong kasama.
"Sorry! Hindi na kita hahayaan mag-isa kumain tuwing recess! Ibibigay ko sa 'yo baon kong chuckie! Pati mamon sa 'yo na!" Iyan ang sinabi niya habang punong-puno ng luha ang mukha.
"Micah?" tawag ko sa kaibigan nang maabutan itong naghihintay ng sundo sa harap ng school.
Ako lamang ang dahilan kung bakit nagco-commute si Micah kasi gusto niya raw akong samahan pauwi palagi. Subalit hindi kami okay ngayon kaya mukhang magpapasundo siya kay Tito.
"Saan po kayo?" wika ni Micah habang may kausap sa telepono. Hindi man lang ako sinulyapan at umalis na siya sa harap ko't sumakay sa kotse nila.
I bit my lip.
Susubukan ko ulit bukas.
At bukas.
At sa susunod na bukas.
"Pina-check ko kay sir 'tong chapter four at five natin kanina. We need to do a few revisions in chapter four. 'Yong chapter five, may errors akong nakita kanina."
Habang nasa meeting ay hindi maiwasan ng mga mata kong tumingin sa grupo nina Micah na malapit ang pwesto sa amin. At least she looks fine. She's smiling and looks radiant. Mukhang okay siya kahit apat na araw na at hindi pa rin kami nagkakausap.
"'Yong sa inyo, Joanna, marami akong nakitang mali. Please check it also." Si Clara iyon.
Four days have passed and I feel hopeless. I feel like my friendship with her is at risk. Parang ito na 'yong magiging dahilan para tuluyang mawala ang pagkakaibigan namin.
Aaminin kong masakit para sa akin na siya ay mukhang ayos sa nangyayari ngayon. Habang ako ay halos ma-stress araw-araw sa kakaisip kung kailan kaya kami magiging okay.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...