"Kaya naman siguro pagsabayin, Belle. Pwede akong mag-absent sa intrams para matapos natin 'yong interview at transcribing!" suhestiyon ni Trisha sa akin.
"Hindi na. Kasali ka sa volleyball team, 'di ba?"
"Hindi pa sure 'yon! Pwede akong magsabi kay coach na hindi ako available sa ibang araw."
"'Wag na, nakapasok ka na roon eh. Mahalaga rin ang posisyon mo roon at libero ka," sambit ko. "Ikaw rin, Justin. Ituloy mo 'yong sa basketball dahil napangakuan mo na 'yong team, 'di ba? Tapos ikaw, Ilo. . . nakapag-practice na kayo sa street dance kaya ituloy mo 'yon."
"Pwede rin akong magsabi kay coach, Belle. Lalo na kung kailangan ng manpower sa transcribing," ani Justin.
Si Ilo ay nahihiyang tumingin sa akin. Alam kong pati siya ay nahahati kung ano ang pipiliin niya. Hindi madali para sa kanila ang basta magpaalam sa mga coach nila at choreographer na kailangan nilang umalis.
As far as I know, Justin and Trisha already started their training a week ago. Sa training nga ang lagi nilang diretso kapag natatapos kaming magturo. Sa street dance ay paniguradong may nabuo nang formation at routine kaya kung biglang aalis si Ilo ay malaking epekto 'yon sa team nila.
Ako lang talaga ang kaya pang magsakripisyo sa ngayon dahil ako ang hindi pa pinal na kasama ako sa badminton team. Wala pa ngang tryout na nangyayari.
"Kaya naming lima! Marami pa rin kami kahit wala kayo kaya ayos lang."
"Pero, Belle—"
"Hindi na, ako na ang magde-decide para sa inyo. Tutuloy kayo sa mga prior schedule n’yo sa intrams. Kami na ang bahala sa research natin," strikto kong sabi.
"Paano ka? 'Di ba, plano mo nang sumali sa badminton?" nag-aalalang tanong ni Trisha.
"Plano pa lang naman iyon, pwede pang magbago. Kilala n’yo naman ako, ang laking halaga sa akin ng grades. Hindi na ako magta-tryout. Badminton lang naman 'yon."
Honestly, it is not just badminton for me. Dahil iyon ang passion kong hanggang ngayon ay nananatili sa puso ko. Talagang naging mahirap sa aking magdesisyon.
Hindi ko naman maiaalis sa isip ko na kung hindi kami makakapag-interview sa darating na linggo ay mas malaking problema ang kakaharapin namin.
Dahil nga last week na ng klase sa Osmenia Elementary, kapag hindi namin sila nagawang interview-hin, ilang letter na naman para sa Principal at magulang ng mga bata ang gagawin namin. Ipoproseso pa namin 'yon at kailangan naming makuha ang consent nang eskwelahan at kanilang mga magulang. Mas matatagalan kami sa pagtapos ng Chapter four namin kung gano'n.
Higit sa lahat, mapagiiwanan kami. Magagahol kami sa oras, late kaming makakapag-defense, o baka hindi pa kami makasabay sa graduation ng buong HUMSS.
"Are you sure, babe? Gustong-gusto mong sumali sa intrams this year, 'di ba?" tanong ni Noah sa akin.
"Oo, pero ayos lang! At saka hindi rin sigurado kung mapipili ako. I'm just saving myself from further heartbreak." Parang kinakausap ko ang sarili nang sabihin iyon.
Medyo may kirot din sa akin dahil alam kong si Noah ay siguradong makakapasok sa badminton team. He's free from research too during the whole week of intramurals. Habang ako, makukulong sa mga gawain ko bilang leader ng grupo namin.
"Kayang matapos 'yong interview sa loob nang isang oras. I'm sure you'll have time for badminton," pangungumbinsi pa sa akin ni Noah.
"Magta-transcribe pa kami. Marami kaming kailangang habulin. Sa unang linggo ng May, pasahan na ng Chapter four. Hindi ko ma-risk, Noah."
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...