"Good afternoon, Humanistas! This is your President announcing that all quiz bee elimination participants should be at the auditorium before 3 pm. If not present, you shall be disqualified to join the elimination. However, if you are likely to arrive late, please immediately inform your adviser so they can notify our organizers. That is all and good luck to all participants!"
Muli kong binalik ang mga mata sa binabasang reviewer nang matapos ang announcement na iyon. Nakakapag-review ako nang maayos dahil labis ang katahimikan dito ngayon.
Napagkasunduan kasi ng mga kaklase kong hahayaan nila akong mapayapang makapagaral. Lilima lang kaming nandito sa room at wala ni-isa sa mga nandito ang nagsalita mula nang mag-lunch break kami.
I assume that most of my classmates are outside exploring the booths prepared by Solara's faculty. Kahit si Micah ay wala rito kaya walang dumadaldal sa akin. So after almost an hour of reading, I finished scanning three of my reviewers.
Ginaganahan akong basahin iyon dahil sa mga sulat ni Noah. He noted important notes there that I should remember. And every end of reviewers had his little letters for me. Katulad nitong sa Math.
Numbers can be a pain in the neck, so don't forget to hydrate :)
And of course, I followed what he said. Tinabi ko saglit ang aking folder at saka kinuha ang tumbler sa bag ko.
Isang linggo na ang lumipas noong naipahiwatig ko kay Noah ang nararamdaman ko pero parang lumulutang pa rin sa ere ang aking pakiramdam.
The changes in our relationship were so smooth. He became the first person and the last person I would message every day. Nakasanayan ko na nga 'atang sa kaniya ko kinukwento ang random na nangyayari sa araw ko.
My heart would still beat wildly for him every time. Hindi ko pa rin kayang makipaglaban sa mga tingin niya. Iyon ang sa tingin kong hindi nagbago. It was not because I feel awkward around him. Sadyang gano'n ko siya kagusto na mabilis ako lumambot pagdating sa kaniya.
"Belle!" Dinig kong pagtawag sa akin ng aking kaklase na kakarating lang. "Nasa labas si Noah."
Sinundan ko ang tinuro nito. Noah waved a black folder and gestured for me to go out. Patakbo akong naglakad palabas at kinuha ang binigay na folder ng lalaki.
"Reviewer mo sa Science. It was in my bag."
"Kanina ko pa hinahanap 'to, akala ko naiwan ko sa bahay." Na tural na ngumuso ang aking labi nang bigkasin ang mga salitang iyon.
Kaya inantabayanan ko ang pagtapik ni Noah sa aking ilong. Lagi niya iyong ginagawa kapag tumutulis ang aking nguso.
"Stop pouting," sita niya. "Ilan na naaral mo?"
"Tatlo pa lang. Baka i-scan ko na lang 'yong iba kasi kulang sa oras."
Tumango ito sa akin. "Are you nervous?"
Alinlangan akong umiling sa kaniya. Maybe slightly nervous because I know I'll be competing with smarter people. 'Yong mga taong hindi na kailangan magbasa ng reviewer bago ang quiz bee dahil likas na sa kanila ang pagiging matalino. Katulad na lang ni Noah.
"Nag-review ka?" tanong ko rito.
"Nope." He shrugged. "I prefer not to review."
"Sa bagay. . . rank 1 ka, questionable kapag hindi ka nanalo mamaya."
"Kung hindi ako manalo mamaya, isa lang dahilan no'n. . ." saad nito. "I'm distracted by you."
Napairap na lamang ako sa sinabi nito, bahagya nang nasasanay sa kaniyang mga banat. Sabi nga ni Micah, ang cheesy raw pala ni Noah kapag nai-in love.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
Roman d'amourTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...