Twenty-nine

3K 72 5
                                    

"Japan?!" Mahihimigan pa rin ang gulat sa aking tono.

"Yeah, Mama messaged me earlier. It's Tito Kaito's birthday on the 24th. Sagot nila ang ticket natin," he stated. "Hindi pa ako nag-go. I didn't want to decide alone. We'll go only if you want to."

Hindi ko magawang tumanggi agad-agad doon dahil aaminin ko namang gusto ko ring makapunta sa Japan. Sino ba naman ang hindi, 'di ba? We won't spend that much. Sa pagkain ko lang siguro ako maglalabas ng pera.

Pero syempre, malaking panghihinayang pa rin sa akin maglabas ng pera basta-basta lalo na kung may mas importante pang mapaglalaanan iyon katulad na lang nang tuition ko.

"I know it's too sudden, babe. Sa mismong birthday mo ang alis natin kung papayag tayo kay Mama. We'll possibly take an afternoon flight para makapag-celebrate ka muna kasama sina Mama rito."

"Ahh. . . magkano ba kung sakali ang kailangan nating allowance papunta roon?"

"I'm not sure po, but since we are with Mama, we might not spend that much," he said. "May ipon din tayo. Baka roon, pwede na nating bawasan kahit unti?"

"Gusto mo bang pumunta sa Japan?" tanong ko rito.

His tone is obviously trying to convince me to come. He's just stopping himself from deciding for us. And of course, I appreciate that. Kaya gusto ko ring i-consider ang sarili niyang desisyon na wala akong impluwensiya.

"I miss Mama," he admitted. "Pero sabi ko nga po, kung ayaw mo, okay lang. Uuwi rin naman si Mama rito sa Pasko."

I smiled at him and slowly nodded. "Pupunta tayo sa Japan kung gano'n."

"Really, babe?"

"Opo, pero magpaalam din muna tayo kay Mama. Ilang araw ba tayo roon?"

"Three days ang sabi ni Mama sa akin. Kaya sakto lang din dahil may isang linggo tayong bakasyon bago ang midterms exam."

"Okay, payag na ako."

He said a little "yes" which made me chuckle. Kitang-kita sa mata nito ang labis na saya kaya nawala na rin sa aking isip ang posibleng magastos na pera.

He was so excited when we got home and immediately looked for Mama inside the house. Ngunit nang makita niya si Mama sa kusina ay parang aso itong naamo at kumapit sa dulo ng damit ko.

"Kinabahan ako bigla," bulong nito.

Natatawa kong hinawakan ang kamay niyang nakakapit sa aking damit at saka ito hinatak palapit kay Mama. I kissed my Mama on her cheeks first to get her attention since she's too occupied on her laptop.

"Hi, Ma."

"Anak, kauuwi mo lang?"

"Opo, kasama ko si Noah." Nginuso ko ang lalaki. "May ipapaalam siya."

"Bawal," ani Mama sa nagbibirong tono. "Biro lamang. Ano 'yon, anak?"

"Uh. . . good evening, Mama," bati muna ni Noah at dahan-dahang umupo sa harap ni Mama upang mapantayan ang tangkad nito. "How's the restaurant, Mama?"

"Ay sus! Chichikahin pa raw ba ako. Sabihin mo na, anak. Hindi naman ako mangangagat."

Hinayaan kong si Noah ang kumausap kay Mama noong mga panahon na 'yon. Nakatayo lamang ako sa gilid nila at pinanood ang boyfriend ko na kabadong magpaalam sa aking ina.

"Birthday na po kasi ni Esther sa Sabado, 'di ba?"

"Oo nga! Lalabas ba kayo? Pwede naman, pero sa umaga sa amin muna kayo sumama dahil dadalawin natin si Papa ninyo."

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon