Twenty-seven

2.7K 61 20
                                    

Kay aga at hindi pa sumisikat ang araw ay gising na ako at hinanda ang kailangang gamit para sa libing ni Papa.

Tulog pa sina Esiah at Noah pero narito ako at nagtitiklop ng mga damit ng aking ama. I'd hug every cloth and cry silently upon smelling my father's smell.

Kaunti lamang itong mga natiklop ko dahil sa hindi nananatili si Papa palagi rito sa bahay namin. All I folded was ten outfits. Kasama iyong regalo ko sa kaniyang necktie noon.

Mahapdi ang mata ko nang titigan iyon. Marahan kong hinaplos ito at maikling natawa nang makita ang maliit na nakamarka sa likod noong necktie.

M-W-F-SUN dahil regalo ni Esther. Iyon ang nakasulat doon.

"Pa talaga, may schedule pa," kausap ko sa hangin.

Tiniklop ko iyon sa maliliit na parte at saka siniksik sa box na isasama namin sa libing. I stopped for a moment when I saw a thick envelope in the lower part of his cabinet.

I opened it slowly and heaved a deep sigh when I saw a lump of money there. Naka-divide iyon sa dalawang papel at may nakasulat sa bawat papel.

100,000 - first semester tuition (Esther)
60,000 - first semester tuition (Esiah)

May bukol na bumalot sa aking lalamunan sa biglaang sakit na naramdaman. I slightly crumpled the envelope when I felt my heart wrenching. At that moment, I hated that money.

Kung sana, hindi nagpakasubsob si Papa sa trabaho niya ay kasama pa siya namin ngayon. I regretted asking for too much. Baka kung mas pinili kong sa Osmenia mag-aral, hindi siya nagpakahirap para kumita ng pera.

"Pa'no pa namin magagastos 'to kung kapalit ay buhay mo, Papa?" humihikbi kong sabi. "Balik ka na lang. Kahit wala nang ganito. Uwi ka na sa amin."

Kung ito lang pala ang kapalit ng buhay kong halos perpekto mula noon, mas pipiliin kong mabuhay sa imperpektong buhay.

Hindi ko maiwasang magalit pati sa Kaniya. Bakit kailangan Niyang iparamdam sa akin ang napakagandang buhay? Pagkatapos ay babawiin sa akin 'yon?

Wala ako o kaming ginawa para gan'to ang mangyari sa pamilya namin. Bakit kailangan Niyang kuhanin si Papa nang biglaan? Bakit ngayon kaagad?

Mahina ang naging hikbi ko upang hindi makagawa ng ingay at natutulog pa sina Esiah. Soon, I felt a large arms enveloping my body.

"I'm here. I got you. . ." Noah whispered, scooping my body until he enveloped me with his warmth.

"Gusto kong nando'n siya sa kasal natin eh. Kasama natin siyang aalagaan ang mga magiging anak natin. Tatawagin siyang Lolo. N-Noah, ang sakit masyado. . ." paglalabas ko ng aking saloobin sa nobyo.

"I'm sorry, Esther. We'll get through this."

"Ako na lang. Ako ang bahala. Ako naman ngayon," dikta ko. "Pero pa'no? Hindi ko alam. Anong gagawin ko, Noah?"

"We'll figure things out. Tutulong kami ni Mama. Hindi kayo nag-iisa. Nandiyan sina Micah. Hindi lang ikaw, hmm?"

"Ako-"

"Tayo, babe. Tayo."

Noah embraced me tighter, almost taking my pain to him. He kept on whispering comforting words and caressing my hair.

Parang nahawa sa akin ang panahon noon nang sumabay ang malakas na ulan sa pag-alis namin papunta sa sementeryo. May kulog at kidlat pa sa langit na halos hindi matuloy ang aming paglibing sa mga gamit ni Papa.

"Handa na ba kayong pakawalan 'to?" tanong ni Tita Anj.

We all responded silently through nodding. Ako ang naglagay noong kahon ng mga gamit ni Papa sa kabaong. Hawak-hawak naman ni Mama ang wallet ni Papa nang mahigpit.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon