"Nakakaloka talaga si Prince kahit kailan! Tingnan mo naman ang nilagay sa wishlist niya." Binigay ni Micah sa akin ang phone niya kung saan nandoon ang mga listahan ng wishlist ng mga kaklase namin.
Ngayon ay nagsho-shopping kami para sa gaganaping Christmas party bukas. It is a HUMSS christmas party, but the exchanging of gifts are excluded to each section.
Si Prince ang nabunot ni Micah, habang ako ay si Trisha. Mas madaling pumili para sa akin dahil babae ang aking reregaluhan. Bukod doon, madali ring hanapin 'yong tatlong bagay na nilagay ni Trisha sa wishlist niya.
"Saan ako hahanap ng 5'4 na chinitang handa siyang ipaglaban?!" bulyaw ni Micah na nakakuha ng maraming atensyon sa paligid namin. "At saka ano 'to? Latest model ng iPhone at Nike Air Max? Anong akala niya sa akin? Sugar mommy niya?"
I laughed harder hearing Mica's sentiments. Nakakatawa dahil ilang beses binilin sa amin ng adviser namin na ang ilagay sa wishlist iyong hindi lalagpas ng limang daan ang presyo. Ngunit heto si Prince at puro kalokohan ang pinaglalagay.
Ako ay isa na lang ang hinahanap sa wishlist ni Trisha. Hindi kailangan bilhin lahat iyon pero napagdesisyunan kong bilhin lahat para sa kaniya. Hindi naman lalagpas ng isang libo iyon kaya walang problema sa akin. Napagipunan ko rin itong Christmas party namin kaya may matitira pa nga sa ipon ko.
"Kapag hindi ako nakapagtimpi roon, mug talaga ang ireregalo ko sa kaniya!" iritang sabi ni Micah. "O kaya ben 10 na brief para may bago siyang stock sa ben 10 collection niya!"
Lumihis ng ibang direksyon si Micah at iniwan ako sa makeup area. Mukhang may tatawagan ito dahil nakita kong kinuha niya ang telepono niya sa kaniyang bag.
"Hello po, may mas lighter shade po ba kayo rito?" pagtukoy ko sa foundation na gusto ni Trisha.
"Anong shade po ba, ma'am?"
"'Yong shade 21 raw po, nude beige."
Hinanap noong saleslady ang shade na tinanong ko. I smiled at her when she gave me what I was looking for.
"Lipstick, ma'am! Baka gusto n’yo po. Maraming magagandang shade rito," alok niya.
Nakuha noon ang interes ko kaya tiningnan ko ang bawat shade na pinapakita niya. She even swatched some in my wrist. Pero hindi ako masyadong magaling pumili sa gano'n kaya tinawag ko pa rin si Micah sa huli para humingi ng tulong.
"Ikaw nga ang pumili para kay Trisha. Baka kapag ako ang pumili, hindi pala bagay sa kaniya."
"Hala, gusto ko rin, Belle!" aniya.
"Okay, pili ka rin."
Malaki ang ngiting iginawad nito sa akin at namili roon. While waiting for her, I checked my phone to see if Noah had a new message for me.
Napagusapan namin ngayong magkikita kami. He's also buying for their gift exchanging. Ang huling message niya sa akin ay nasa National Bookstore daw siya.
It's interesting to me because that tells the difference in our environment. Dahil matatalino ang kaklase niya, libro din o pang-school ang nasa wishlist nito. While mine is more for personal needs.
"Ate, may ben 10 ba kayong brief pero pang-19 years old 'yong size?"
"Po?" Halos matawa ako sa gulat noong saleslady. "A-Ahh! Meron naman po, ma'am. Boxers brief na nga lang po. Baka maliit na kasi sa kaniya kung 'yong brief pa."
"Pwede na 'yon, Ate!"
"Sige po, sunod na lang po kayo sa akin para maturo ko kung nasaan."
Tahimik kaming sumunod doon sa saleslady pero hindi ko maiwasang bumulong kay Micah.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...