"S-Salamat," ani ko at parang napasong lumayo sa pagkakahawak ni Noah.
"Sa susunod mag-stay ka roon sa nakikita ka ng kasama mo. Don't swim alone, baka mapano ka."
"A-Ah oo nga," wala sa sarili kong sabi.
Hindi ako mapakali sa paraan nang pagtingin niya sa akin. He looked slightly pissed because of his forehead. Nakakunot ang noo nito, pero ang mga mata ay mapungay.
"Sinong kasama mo?" tanong niya.
"Pamilya ko! 'Tsaka sina Micah."
Umakto itong naghahanap sa tinukoy kong kasama kaya tinuro ko sa kaniya ang pwesto namin. It is indeed a little farther from us now.
"Samahan na kita pabalik doon."
"Hala, h-hindi na!" agap ko. "Kaya ko namang lumangoy mag-isa."
Tumaas ang kilay nito. "Sinong nagsabi na lalangoy ka? Maglalakad tayo pabalik sa pwesto n'yo, Lacoza."
"Ahh. . ." Nakanguso akong tumango at hinabol si Noah sa naging pag-ahon nito.
Yumakap kaagad sa akin ang malamig na hangin nang makaahon ang buong katawan. Noah then glanced at me and stopped for a moment. Ang mga mata niya'y saglit na pinasadahan ang suot kong bikini. Namula ang aking pisngi sa hiya at hindi ko malaman kung paano itatago ang aking katawan.
"Oh my! Esther." Mahigpit akong niyakap ng ina ni Noah. "Dito ka rin nagbakasyon?"
Hindi ko naitago ang pagkagulat dahil akala ko'y hindi ako makikilala ng Mama ni Noah. I've been to their house before, but I remember her getting close to Clara only.
"O-Opo. Birthday po kasi ng kapatid ko, dito kami nag-celebrate."
"That's nice! Kailan pa kayo nandito?"
"Kadarating lang po namin kahapon."
"Kami naman ay pangatlong araw na ngayon. We're celebrating Noah's achievements here."
Bahagyang bumuka ang bibig ko at sinulyapan si Noah. Tahimik itong nakikinig sa pag-uusap namin ng Mama niya.
"Oo nga po pala! Rank 1 siya," kunwaring may gulat kong sabi.
"Nasaan ang family mo?"
"Nandoon, Ma." Si Noah ang sumagot para sa akin. "Ihahatid ko lang siya roon, Ma. Baka hinahanap na siya."
"Gano'n ba? We could talk longer pa." Nakasimangot na tumingin ito sa kaniyang anak. "Oh well, pwede naman tayong mag-gather next time. Family ni Esther at tayo, 'di ba, anak? Kaming dalawa lang kasi ang magkasama ngayon dito."
"Ma-"
"Sasabihan ko po sina Mama tungkol diyan," tugon ko.
"Really? Thank you, Esther," malambing na sabi sa akin nito. "Ayos ba kung mamayang dinner?"
"Mama," sita ni Noah. "Hinahanap na po siya."
"Okay, sabihan mo si Noah kapag pumayag sina Mama mo, ha."
Nahihiya akong tumango sa Mama ni Noah. Isang kaway ang binigay ko rito bago sinundan ang nauuna nang maglakad na si Noah. Sa bilis ng hakbang ni Noah ay wala pang isang minuto ay nakabalik na ako sa pwesto namin.
"Noah, nandito ka!" aniya. "Nakakaloka, tadhana nga naman."
"Noah?" sambit ni Papa at lumapit sa amin. "Siya 'yong-"
"'Yong kaklase ko po," pigil ko sa sasabihin ni Papa.
"Ikaw pala 'yon! Ma, halika!"
Sabay-sabay na tumingin sina Mama, Esiah, at ang mga Tan sa pagtawag ni Papa. Esiah had his curious look while Mama looked rather confused.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...