Thirty-seven

2.7K 64 26
                                    

"How's your studies, Esther? I hope you're getting everything you need. Is Ancia giving you enough allowance? Sabihan mo ako kapag kulang, hija. Magpapadala agad ako."

"Sapat lang po, Tita. Pasensya na rin po kung maraming gastusin sa school. May NSTP pa po kasi ako at saka maraming films na kailangan tapusin."

"It's okay, Esther! Maliit pa 'yan kumpara sa natulong ni Kuya Theo noon sa pamilya ko."

Tita Tiffany has been supporting me ever since I went back to studying. Walang kulang, lahat nakukuha namin ni Esiah. Ang laki pa nga no'ng allowance ko sa isang linggo na may natatabi ako para sa pangkain namin nina Mama.

I also resigned in my job before. Sa isang cafe & pastries store na lang ako nagtatrabaho. Part time dahil sa umaga at hapon ay nag-aaral ako. Wala rin akong permanent schedule roon. Basta pagkatapos ng klase ko ay dumidiretso ako sa trabaho.

Mabait naman 'yong boss ko kaya hindi ako nagkakaproblema ibalanse ang pag-aaral at pagtatrabaho. He even lets me do an early out whenever there's an emergency in our house.

Hindi ganoon kadalas nangyayari, sa mga panahon lang na aatakehin si Mama ng kaniyang sakit at iyong tipong hindi kaya i-handle ni Esiah mag-isa.

"Mage-exam po ako sa scholarship ng HU, Tita. Mago-open sila for application ngayong end ng second semester. Mas malaki ang tiyansa na makakuha po ako kasi magaganda ang grades ko at priority nila 'yong mga enrolled nang estudyante sa school," kwento ko sa Tita.

"Really? That's good, hija. But don't pressure yourself. Kahit walang scholarship, kami pa rin ang sasagot sa pag-aaral n’yo."

I smiled at her.

Naging maganda ang daloy ng pag-aaral ko mula first semester hanggang ngayong second semester. But contrary to before, I am more relaxed now.

Hindi ko na gaano iniisip iyong kailangan na masasabayan ko 'yong ibang kaklase ko. Na kailangang mas mataas ang grado ko sa iba.

I think I'm less scared of comparison. Kung ano ang kayanin, tatanggapin ko. Hindi na halos buong araw nasa libro ang mga mata ko. I know how to balance studies and pleasure now. 

"Hindi ako nakapag-review kasi dinumog ng customers kahapon sa cafe. Kinakabahan ako, baka mababa score na makuha ko," saad ko.

"Ayan ka na naman, Ate Belle! Tapos kapag lumabas grades natin, ikaw pa straight uno sa amin."

And luckily, I found a good circle even though I am surrounded by younger people. Ako ang pinakamatanda sa seksyon namin ngunit may iba akong kaklase na halos kaedad ko lang din.

Apat ang matatalik kong kaibigan ngayon. Tine is a year younger than me. While Pauline and Ice are two years younger than me. Sila iyong naka-close ko dahil parehas kami ng experience na tumigil din sa pag-aaral.

"Sinabi niya rin 'yan no'ng midterms natin tapos pagbukas no'ng portal niya, uno lahat!" tila sumbong ni Pau.

"Tapos flat uno pa siya sa anim na subjects natin. Nasaan ang hustisya?"

"Totoo na ngayon ah! Hindi talaga ako nakapag-review," ani ko.

Hindi man nakapag-review pero sinisigurado kong kahit ilang oras bago ang exam ay nakakapagbasa ako. As I said, I no longer overthink my grades too much. But still, I make sure to keep it consistent most of the time. Wala pa naman akong nakukuhang dos sa ngayon. Maganda pa sa paningin tingnan ang aking portal tuwing iche-check ko.

"Dean's Lister ang best friend ko! Karma is a biatch!" anas ni Reiko at binigay sa akin ang isang money bouquet na puro isang daan ang laman.

"Anong karma? Sino na namang kaaway mo?"

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon