"You meant. . . tayo na, right?"
Natawa ako at muling tumango. Pangatlong tanong na niya 'yan. Mula noong umupo kami sa bench doon ay naninigurado ang kaniyang tingin sa akin.
"Opo, tayo na. Boyfriend kita at girlfriend mo ako," sagot ko.
Malakas na bumuntong-hininga ito na parang nakahinga siya nang maluwag dahil sa sinabi ko.
"Thank you po."
"Bakit ka nagthe-thank you kung oo lang naman sinabi ko?"
"Your simple yes carried a lot of doubts, worries, waiting, and patience. Hindi lang basta oo 'yon para sa akin."
"Hindi pa rin ganoon kalaki 'yong nagawa ko kaysa sa 'yo na may pa-surprise pa."
"Pantay lang po. No need to compare, babe. Besides, ako ang nanliligaw kaya dapat lang na ako ang gumagalaw."
"Alam mo bang ako dapat ang may surprise ngayon?"
"Ahuh?"
"Sinabihan ko sina Faye na tulungan ako kasi sasagutin na kita. Sabi pa nila sa akin kagabi, sila ang bahala sa lahat at ang gagawin ko lang ay sagutin ka. May iba pala kayong plano."
"Gano'n po ba? Hindi ko alam na may plano kayo dahil hindi sinabi sa akin ng mga kaklase mo."
"'Yong naaksidente si Micah, hindi n’yo plano 'yon?"
"No po. Faye told me Micah will ask for help from you and that will be my cue."
"Hala, gano'n din ang sinabi nila sa akin. Kaya nga akala ko seryoso kanina kasi si Faye ang dumating imbis na si Micah," kwento ko. "Ano kayang nangyari?"
"Let's ask Faye about that later."
"Ngayon na! Wala ba sila rito?"
"Wala, sabi ko bumalik din kaagad sa activity area."
"Baka hinahanap na pala tayo roon!"
"I. . . I asked for the whole faculty's support."
Namilog ang mata at bibig ko sa gulat. This man is crazy. Paano niya nagawang kuhanin ang suporta nang mga guro namin? Lalo na kay Miss Garcia na kinakatakutan ng bawat estudyante sa HUMSS.
"Baliw ka! Nakakahiya sa kanila. Baka kung anong isipin sa atin."
"Don't worry po. They're very supportive. I think it's the perks of my ranking."
Tumulis ang aking nguso at sa huli'y tumango kahit lubos ang hiyang nararamdaman. Kaya pala parang ang dali para kina Faye na umalis kanina habang naga-activity kami dahil nagpaalam si Noah.
"Kahit si Mama Ancia, alam 'tong gagawin kong surpresa sa 'yo. And Esiah, Papa, and my Mama."
Muli kong sinakop ang mukha niya gamit ang maliit kong kamay at marahang pinanggigilan ang kaniyang pisngi. Dinala ko ang aking labi sa noo nito at hinalikan siya roon.
"Mahal kita. . . sobra. Ilang beses ko nang sinabi 'yan 'no?" puno ng lambing kong sabi. "Hindi ko na alam kung may mahihiling pa ako kay Lord. Basta nandiyan ka, si Mama Yula, at ang pamilya ko, ayos na ayos ako."
My life has been nothing but a perfect picture ever since. Minsan nakakatakot na magising akong isang araw at mapuno nang kalungkutan ang buhay ko. Iyon at iyon na lang ang tanging ihihiling ko sa Kaniya.
To spare us from heart aches. I won't wish for a more perfect life. Ayos na kahit manatili 'yong ganito. Solb na ako.
"I don't know what the future will bring, Esther. Ayaw kong magsalita nang tapos. Basta nandito lang kami."
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...