I hoped that every love in this world would never give up. I learned that love was hopeful. 'Yan ang sinabi ko nitong mga nakaraang araw.
Sa dinami-rami ng taong pagkakaitan ng masayang wakas, nadudurog ang puso ko na isa ang kaibigan ko sa hindi pinalad sa pagmamahal na kaniyang matagal nang hinihiling.
To see my best friend live in vain and lose her hope in love is something I wasn't prepared for.
No'ng sinabi niya sa akin noon ang masamang balita na narinig niya, parang binuhusan ako ng tubig. Ang tanging nasabi ko, "Huh? Paano?"
I once lost someone important in my life too. Katulad ni Akio, biglaang nawala at binawi sa amin. I know how hard it was to accept the reality that there is no returning back. Namatay na at hindi na muli namin makikita.
Micah has been my best friend since my childhood. Sobrang importante niyan sa akin na kahit ako ay hindi makahinga nang makita niya ang nanlalamig nang katawan no'ng lalaking dapat ay mapapangasawa na niya sana.
"Akio, bumangon ka riyan! Hindi pwede. Ikakasal na tayo, 'di ba? Ilang araw na lang oh! Gumising ka, please."
I held Micah so close to me to, at least, keep her sane and standing. Ang sakit masyado. Iyong kahit anong sigaw niya ay hindi na magagawa ni Akio ang mga inuutos niya.
"Akio Lee, bangon, please. . ." bulong nito at saka mahigpit na kumapit sa akin. Paulit-ulit ang naging pag-iling niya at tila ayaw maniwala na iyong nakita namin ay hindi si Akio.
From what the Police said, Akio was shot in his head while in the car. Ayon kay Noah, kagagaling lang nito sa kasong kinuha niya at uuwi na dapat upang sunduin si Micah sa bridal shower nito.
Malaki ang kasong nakuha niya at konektado sa politiko. He was just fighting for the rights of the innocent people. Nanalo sa kaso pero kapalit ang buhay niya.
"Micah, tatlong araw na ang lumipas. Hindi ka pa ba nakakapagdesisyon? Ipapa-cremate ba natin si Akio?" maingat kong tanong sa kaibigan.
Nakatulala na lamang ito sa kawalan at magang-maga na ang mata. May sugat na rin sa mga labi nito at pansin ko ang pagdudugo ng iilang kuko niya.
She's hurting herself. Akio's death wounded her so much that physical pain is her only coping mechanism.
"Micahela Anch, just this once, please! Decide already. Naghihintay rin ang pamilya ni Akio! Sa iyo na nila iniwan ang pagdedesisyon. Kaya gumising ka na riyan at tatagan mo muna ang loob mo," pangaral ni Tita Anj habang marahang niyuyugyog ang balikat ng anak.
"Ma. . ." she weakly called and painfully smiled after. "May hustisya na ba siya? Nakakulong na ba 'yong bumaril at nagpabaril sa kaniya?"
"Anak, you know it's not easy. Ginagawa namin ang lahat para kay Akio pero mahirap ang kinakalaban natin. If we continue to fight for his justice, they'll just kill another innocent person to silence us."
"Tangina naman," malutong nitong mura. "Namatay 'yong tao. Wala siyang ibang ginawa tapos sasabihin n’yo sa akin na pakawalan ko?! Si Akio 'to, Ma. 'Yong mapapangasawa ko."
"I know, baby. Alam ko kung ga'no kahirap para sa 'yo 'to," ngayon ay mas kalmadong saad ni Tita. "Pero isipin mo muna kami, anak. Isipin mo 'yong pwedeng mangyari kung ipaglalaban natin 'to."
"Pa. . ." panghihingi ng tulong ni Micah sa ama ngunit bigong tingin lamang ang binato sa kaniya nito. "Nakakainis naman kayo! Kasal na dapat namin bukas eh. Masaya dapat ako ngayon."
"Anak, naghihintay rin si Akio. Bigyan natin siya ng mapayapang burol at libing. . ."
"Micahela." Dinig kong tawag sa aking likod. "Akio died protecting other innocent people. I'm sure his death is significant for him. We know Akio, right? Maybe he's even bragging to Him that he died with virtue."
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...