Posible pala 'yon. 'Yong mabibingi ka na lang at biglang titigil ang mundo mo. 'Yong magdidilim ang paligid mo tapos iisang tao lang ang iyong makikita.
Because right now, he is all I am seeing. His soft eyes stared into mine, his lips slightly pouting, and his thumb lightly rubbing my hand. Those were just a few of the details I recognized at this moment.
Nang sabihin niya sa akin ang mga salitang iyon, tuluyang tumigil ang puso ko. Nakatatawa, hindi ba? Imbis na lumakas ang tibok noon, nanahimik ito na para bang ayaw niyang makisabay sa ingay habang sinasabi ni Noah ang tunay niyang nararamdaman para sa akin.
It finally happened. Ang pangyayari na pinaghandaan ko kagabi ay nandito na ngayon sa harapan ko. Ngunit walang gustong mga salita ang kumawala sa aking labi. I anticipated this, but suddenly, I didn't know how to react.
"Sabi ko dati, bibilhin ko 'to dahil lang sa mas ginagahan ka sa research natin kapag nakakainom nito. Nothing more, nothing less," he proclaimed. "But every time I see your face when I give you this, I feel a weird contentment—like I achieved something better than my school ranking."
I bit my lip and glanced at the drink we were both holding. Parang ayaw ko nang inumin ang banana milk na ito. Itatago ko na lang din 'to sa kwarto ko. Idi-display sa study desk ko kasama noong unang banana milk na binigay niya.
"Kailan pa?" bulong ko.
"I'm not sure. Sa tingin ko, no'ng intrams natin."
My mouth slightly opened in shock. Nasa gano'ng panahon noong ma-realize kong may gusto ako sa kaniya!
"I disliked how you avoided me when I wanted you close to me," he uttered. "Akala ko no'n dahil lang sa gusto kong marinig ang explanation mo sa nangyari sa research natin. And then, the badminton player happened."
He chuckled. Inalis niya ang pagkakahawak sa aking kamay at bahagya kong inabot iyon para sana ibalik ulit. I pouted, feeling disappointed in not feeling his warmth. Hindi ko na napigilan at kusa nang lumabas sa bibig ko ang pagkadismaya.
"Bakit mo ako binitawan?" Mahihimigan ang pagtatampo sa aking boses.
Makikita ang pagkagulat sa mata ni Noah dahil sa aking sinabi. Bahagyang bumuka ang kaniyang bibig na sinara niya rin matapos ang ilang segundo.
"Bakit?" bulong ko sa sarili.
"You want me to hold you?" he asked.
Mariin kong kinagat ang labi. Bigla ay kinain ako ng hiya kaya agad-agad ay naglakad ako palayo kay Noah at umupo sa sofa. Hinalungkat ko sa bag ang dala kong mga libro at nilabas iyon para makapagsimula na sa pagbabasa.
"Mag-aaral na tayo? We're not yet done talking though."
Ipinatong nito ang dalawang malaking mangkok sa lamesa bago umupo sa aking tabi. Kinuha niya rin ang mga librong nasa ilalim na compartment noong lamesa. Ngunit hindi niya iyon binuksan, imbis ay pinanood lang ako na magbasa.
"Bakit libro sa P.E. ang binabasa mo?" aniya sa natatawang boses. "Hindi kasama sa quiz bee ang P.E."
Buong katawan ko 'ata ang namula dahil doon. I can feel my ears heating up, even my nose, cheeks, and neck.
"Malay mo kasama! Kaya kailangan lahat a-aralin."
"Sabi sa akin, walang P.E. sa quiz bee."
"Okay. . ." Ngumuso ako dahil sa kahihiyan.
Dahan-dahang kong sinara ang hawak na libro at tinago iyon sa aking bag. Kukuhanin ko na sana ang libro sa Physical Science nang biglang hawakan ni Noah ang pulsuhan ko.
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...