"Nakainom ka ba?" tanong ko sa kaniya.
"What? No!"
"Kung ano-anong pinagsasabi mo," ani ko.
Tandang-tanda ko pa 'yong pinagusapan namin noon sa field. I already got my closure at that time that we wouldn't be possible anymore. He clearly said that he was finally letting go.
Kaya nakalilito rin na marinig na sabihin niya ito. Bakit niya ako yayayain makipag-date?
"I just figured. . . I'd want to try a date with you," he coolly said.
"Bakit?"
"Dahil gusto ko. Bawal ba?"
"H-Hindi ako interesado."
"Why won't you give it a try? Katulad doon kay Yuan. Isang date lang," alok muli nito.
"Hindi pa ako nakaka-graduate."
"Right. . . pero isang taon na lang naman."
"Si Calista. Ayaw mong si Calista na lang ang i-date?"
"If I want to date Calista, I should've done it since the start. We're just friends."
"Bakit ako?"
"Dahil nga gusto ko. Do I need to submit a 500 word essay to you?" he asked. "Just one date, Esther. Kapag hindi ka pa rin interesado pagkatapos, hindi ako mangungulit."
"Noah, baka nakakalimutan mo. Mag-ex tayo," sambit ko.
"I never forgot that, Esther. Why? Can't exes date?"
Hindi naman. . . pero weird tingnan. We had a relationship already. We broke up. We moved on. Tapos magyayaya siya ng date na parang walang nangyari?
"Marami namang pwedeng ibang i-date riyan," muli kong tanggi.
"Marami nga"—tumango ito—"pero ikaw ang gusto ko."
"Noah, mag-ex tayo," giit ko.
"I know. So what?"
"Anong rason mo? Bakit makikipag-date ka sa akin? Mahal mo pa ako?" diniretsa ko na siya.
Nag-iba ang hulma ng mukha nito at kumunot ang noo. Kahit siya 'ata, hindi sigurado sa sagot niya.
"Kung hindi, 'wag mo gawin 'yan. Naglolokohan lang tayo kung gano'n," seryoso kong wika.
"I'll message you then. Sabihan mo ako kapag nagbago ang isip mo."
I thought of that too. Hindi ko makakaila na pinagisipan ko pa rin sa huli 'yong alok niya.
It sounds tempting, especially that it is from him. Ewan ko ba. Sinabi ko na sa sarili kong nakalimot na ako. Naka-move on na. Ngunit nagdadalawang-isip ako ngayon.
"Niyaya ka niya 'ka mo?!" hiyaw ni Micah nang ikwento ko sa kanila ni Reiko ang sinabi ni Noah.
"Oh my God! Oh my God! This is so full of drama, girl!" Reiko squealed. "He is so pa-mysterious."
"Naloloka ako sa inyo! Para kayong naglolokohan. Nagka-closure tapos matapos ang ilang taon, yayayain ka niya makipag-date."
"Come on! He's surely affected no'ng nakita niya si Belle na may ka-date. Maybe he realized he still has feelings for you."
"Ano nang balak mo? Makikipag-date ka?"
"Hindi!" agaran kong sagot. "Hindi ko alam."
"My God! Ikaw rin! You still have feelings for him. Kahit one percent, right?"
"Hindi sa ganoon. Gusto ko lang din subukan."
"Para saan?"
"Ilang beses akong tumanggi sa mga nirereto n’yo sa akin kasi hindi ako interesado. Gusto ko lang malaman kung hindi ba talaga ako interesado o may isang tao lang akong hinihintay."
BINABASA MO ANG
Touchstones of Getting You
RomanceTo be published under Bibliothéque Publication - Esther finds it unnecessary to aim high in academics, not until a consistent honor student, Noah, strikes her heart in a due. For the first time in her life, she becomes one of those who strives the h...