Two

5.8K 144 12
                                    

"Wah, Belle!" Nakamot ko ang tainga nang biglang sumigaw si Micah na katatabi lang sa akin.

She is furious but at the same time also excited like she has some good news to tell.

Pinaghahampas ako nito sa balikat at saka pinagsisipa ang paa sa ere kaya napatingin sa amin ang iilang maglalaro na kasalukuyan ay nagte-training sa gym ngayon. I apologetically smiled at them and pinched Micah to stop her from moving.

"Kumalma ka nga."

"Wah!" sigaw niya. "Sina Sofia at Haru nakita ko nagyayakapan sa garden!"

Kumunot ang noo ko.

"Oh tapos?" walang paki kong tanong.

"Wah!" halinghing niya muli. "Araw-araw sila nagbabangayan sa room, 'di ba? Aso't pusa nga 'yong dalawang 'yon! Tapos makikita kong magkayakap sila!"

I shook my head listening to her rants.

I don't have a problem with whatever relationship our classmates have. Hindi naman bago ‘yong ganoon sa eskwelahan namin. Kahapon nga'y may nakita ako sa garden na magkakandong.

Hindi ko na lang pinansin dahil buhay nila 'yon. Bawal ang sobrang PDA sa school namin at sila na rin ang bahala kung mahuli man sila.

"Nakakaloka! Ipapakalat ko 'to," aniya. "Wah!"

"Hayaan mo sila. Malay mo ay sikreto pa muna ang relasyon nila sa ngayon. H'wag mo na lang ipagsabi sa iba 'yong nakita mo."

My experience made me say that. Ayaw kong mangyari kina Sofia iyong dinanas kong panunukso noong nakaraang buwan. Ang hirap kaya gumalaw na palaging binibigyan nang meaning ang mga kilos mo.

"Lacoza bravely answered 'ikaw' when I asked her the last question," sabi ni Noah. "She said, now she feels shy about what she did."

"Esther, kinukwento mo sa iba si Noah?" makahulugang tanong ng guro namin.

"P-po?"

"Yie!" tukso ng ilang kaklase namin.

Miss Consta laughed. "What can you say about that confession, Suarez?"

"Wala naman po akong problema roon," seryosong sagot ng lalaki. "I think it's just human nature to gossip about people and nothing's wrong with it as long as it doesn't get too alarming."

Natawa muli ang guro sa naging sagot ni Noah. "Alright. Great job to you both! Palakpakan n’yo si Lacoza at Suarez."

That's when the teasing started. Pagkatapos na pagkatapos ng klase namin sa PerDev ay inusisa ako ng ibang kaklase sa nalaman nila. They concluded that I have a secret crush on him, and I would always deny that.

"Hindi ko siya gusto!" depensa ko sa sarili. "Nagkataon lang kasi na sina Noah ang huli naming napagusapan ni Micah no'ng araw na 'yon. At. . . at saka si Akio napagusapan din namin!"

Siniko ko si Micah para pilitin itong tulungan ako sa pagpapaliwanag.

"True!" agap niya. "At sinong hindi napaguusapan si Noah dito, ha? Kayo rin naman siguro 'no!"

"Sus! H'wag ka na mahiya sa amin, Belle! Hindi ka namin tutuksuhin, promise."

That's a lie obviously. They continued teasing me to him. Mag-recite lang si Noah ay may mapanuksong tingin na kaagad na binabato sa akin. Kapag nagkakatabi kami ay ganoon din. Mas malala kapag nagkakasama kami sa activity.

"Lacoza at Suarez," announce ng PE teacher namin na magka-partner sa activity.

"Yie!" ugong na tukso.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon