Twenty-eight

3.3K 68 8
                                    

"Rei, kumusta kayo riyan? Full na? Kapag nakakuha na kayo ng maraming shots, i-dump n'yo na."

"Belle, pasabay naman na 'to sa idu-dump. Tell direk din na kailangan natin dito ng extra na SD card," utos sa akin ng aming main videographer.

"Nasa'n na ba 'yong candid natin? Rush na 'to, wala pa!"

"Ako na po! Hahanapin ko na rin 'pag akyat ko, Ate Farah."

"Salamat, Belle. Takbuhin n’yo na at magsa-start na 'yong event. Lagot tayo kay direk kapag wala tayong nakuhang shot dito."

Nagmamadali kong kinuha ang mga gamit ko at nilagay sa SD card case 'yong mga kailangang ipa-dump. I glanced at my friend, Reiko, signaling her to come with me.

Si Reiko ang naging matalik kong kaibigan sa aking seksyon ngayong kolehiyo. Hindi kami napaghihiwalay kaya pati sa organization ay magkasama kami.

It is now October, and it has been four months since our graduation, and a lot has happened since then. The four months were not easy, especially without Papa.

Naging mahirap ang unang lumipas na buwan mula noong mawala si Papa dahil ang daming pagbabagong nangyari sa amin. Mas dumalas ang oras na hindi na namin nakikita si Mama dahil naging okupado ito sa kaniyang trabaho. Sa umaga hanggang hapon ay nagtatrabaho siya roon sa restaurant na pinagtatrabahohan niya. Sa gabi ay pinagkakaabalahan niya naman ang pagbubukas ng sarili niyang restaurant.

It was that month too when I did job hunting to find good part-time work while I studied for college. I was so occupied with it that when our entrance exam for HU came, I didn't have enough time to review.

Pasalamat ko na lang at nandoon si Noah noong mga panahon na 'yon at dinamayan ako sa pagca-cram mag-aral. Pinagkaibahan lang talaga namin ay hindi niya kinailangan 'yon dahil pasok na pasok na siya sa kanilang grade requirement.

"Kinakabahan ako tingnan! Pa'no kung hindi ako pumasa?" ani ko sa nag-aalalang tono.

"'Wag mo muna isipin. Let's check first and worry later."

"Sabay nating titingnan?"

"Syempre, kaya 'wag ka nang kabahan." Hinawakan nito ang kamay ko. "Just promise me, you won't be disappointed no matter what the result is."

Kinagat ko ang labi at nagdadalawang-isip na tumango. Narinig ko ang mahinang halakhak ni Noah.

"Ready, babe?"

"Wala naman akong choice. . ." Binuksan ko ang email mula sa HU. "On a count of three ha! One, two, three."

Pikit-mata kong pinindot 'yong pdf na naka-attach sa email ng HU at mabilis munang napadasal bago dahan-dahang binuksan ang mga mata.

Humigpit ang hawak ko sa kamay nang basahin 'yon. Wala ni-isang salitang nilagpasan para masigurong tama ang maiintindihan ko.

Good day, Esther Belle A. Lacoza!

Thank you for your participation in the HU Entrance Examination held last June 22, 2022. It is with great pleasure that I inform you that your application has met the requirements for entering Huan University. You have been accepted to the College of Communication Arts and are now eligible to enroll on or before August 13, 2022.

Congratulations and we hope to see you around the campus!

"Hala. . . hala, babe!" Nanlalaki ang mata kong bumaling sa katabing lalaki. "I passed!"

"Congrats, babe," may tuwa sa boses nitong sabi.

"Ikaw?"

"Result pala 'to sa scholarship exam. I think I'm already eligible because of my grades?"

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon