Three

5.2K 141 28
                                    

"Saan mo nakuha 'yan?" tanong sa akin ni Micah.

I was almost hugging the jacket I was wearing throughout our class in PE.

Ang lawak din ng ngiti ko kaya panay ang tanong sa akin ng mga kaklase tungkol doon.

"Ano bang nangyari sa 'yo at ang saya mo? May kinita kang lalaki?" tanong ni Faye.

"W-Wala!"

"Sus, may manliligaw na siguro 'to, Micah! Sino? Saang strand? Sa STEM?" sunod-sunod na tanong ni Faye.

Muli akong umiling at saka ngumuso upang itago ang ngiting muling nagpapakita sa aking labi. 

"Badminton jacket 'yan ah! Parang pamilyar, saan mo nakuha?" usisa ni Prince sa akin.

"Taga-badminton team ang manliligaw mo, Belle?" sigaw ni Micah. "Bakit nga ba hindi ko 'yan naisip?"

"Marami akong ka-close sa badminton team, Belle. Baka kakilala ko pala 'yang manliligaw mo ah." Mapanukso ang tinapon na tingin sa akin ni Prince.

"Ha? Wa-wala akong manliligaw!" tanggi ko. "May nagpahiram lang sa akin nito kanina."

"Secret admirer kung ganoon?" Tumabi sa akin si Micah sa pagkakaupo at bahagyang inusisa ang suot kong jacket. "Gwapo? HUMSS din?"

"Hindi ko alam. Nagising na lang kasi akong nakapatong na 'to sa balikat ko."

"Nakakaloka!" Tumili ang aking kaibigan at malakas akong niyugyog. "May idea ka kung sino?"

Napunta muli ang tingin ko kay Noah at agad namula ang pisngi nang makitang nasa akin ang mga mata nilang magkakaibigan.

"Gusto mo i-post natin sa freedom wall mamaya?" bulong niya. "Mag-message ka sa kanila pag-uwi mo. Kahit tanungin mo lang doon sa post kung sinong nagpahiram."

Pinagisipan ko iyong suggestion ni Micah kung gagawin ko ba. Sa totoo lang, wala naman akong nakikitang dahilan para alamin pa kung sino ang nagbigay noon.

Right now, only one person comes to my mind. Siya kasi ang nandoon noong nagising ako. Siya ang unang nakita ko sa library. Inaayos niya rin sa balikat ko 'yong jacket kanina. Higit sa lahat, amoy niya ang maaamoy sa damit.

Lahat ay siya lamang ang tinuturo. Kaya ang balak ko sana ay ibalik iyon sa kaniya kapag nalabhan na. 

Na agad ding nasira ng aking kaibigan matapos nitong sabihin sa akin ang pagpo-post sa freedom wall.

From: Micah
Nag-message na ako sa page ng freedom wall para hanapin ang secret admirer mo. Hintayin mo na lang ma-post. ;)

Napanganga ako nang mabasa ang message ni Micah. That was thirty minutes ago already! Huli na masyado para sabihan siyang bawiin ang request sa freedom wall.

Hindi ako nagkamali dahil pagkabukas ko ng Facebook ay iyon ang bumungad. Bumuntong-hininga na lamang ang nagawa ko at saka binasa ang mismong post at mga komento roon. Limang minuto na ang lumipas mula nang ma-post 'yon kaya marami-rami na ang nakakita sa post.

Solara Freedom Wall
Sa nasa library po kaninang 2 pm at nagbigay ng jacket sa babaeng natutulog, ang bait mo! Kung sino ka mang good samaritan, please let me know. I want to thank you personally :)

- Lacoza from HUMSS-1Z

Prince Lim
Kilala ko na kung sino 'to, Esther Lacoza hahaha

Jaeden Riggs Velasco
May kilala akong nasa library kaninang 2 pm pero hindi ako sigurado kung good samaritan.

Iyon ang dalawang comment na nakuryoso ako.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon