Epilogue

4.9K 92 34
                                    

Noah Suarez

"Gago, bro. Batak na batak kang mag-aral ngayon ah. Natutulog ka pa ba?" sambit ng aking kaklase nang matapos kami sa coding na ginagawa.

"Uwi na 'ko, bro," sagot ko at saka tahimik na inayos ang gamit sa bag.

"Ayaw mong sumama sa night out mamaya? Iinom daw sina Uri."

"Pass, mag-aaral ako."

"'Na mo, magde-date lang 'ata kayo no'ng jowa mo eh. Palagi kang pass."

It's absurd how my life turned upside down the moment Esther and I separated. Bumalik sa dati na halos pag-aaral ang inaatupag ko. I used to love life more because of her. Mas sumaya kasi ang buhay ko noong nandoon siya.

Yet when we broke up, I went back to my routine before. I wake up thinking of what lessons I will learn and sleep still thinking of what I learned for the day. I loved welcoming mornings before because she was always the first one I would greet.

Talagang nagbago ang buhay ko. Iyon 'yong masakit na pagbabago.

Dati naman masaya ako kahit puro pag-aaral ang tanging ginagawa ko sa isang araw, pero ngayon ay nakakasawa pala. I wished that I could, at least, visit her and tell her about my worries or how my day went.

"Sinabi ko sa 'yo na kumausap ka na kasi ng ibang babae. Tangina mo, ang dami no'ng nakita kong nagcha-chat sa 'yo kahapon tapos wala ka ni-isang tiningnan?!" saad ni Riggs.

"Busy ako mag-aral."

"Busy ka rin dati ah pero nababalanse mo 'yong relasyon n’yo ni Belle."

Iba 'yon, syempre. Busy ako kapag ibang babae ang usapan, pero kapag si Esther, nagiging madaling pagsabayin lahat kasi siya na 'yon eh.

"Ayaw mo ba 'yon si Calista? Ilang buwan na raw nangungulit 'yon sabi no'ng kaklase mong nakalaro ko sa ML kagabi."

"Ayaw ko," sagot ko kaagad, hindi na nagdalawang-isip.

Calista was the only girl who's been consistent in getting my attention. Kaklase ko at kahit ilang beses kong hindi pansinin noon ay walang gana sa kaniya.

I still was not interested though. I don't think I would ever be. Kapag si Esther siguro ang iharap nila sa akin ngayon, handa akong kainin ang mga salitang binato ko. Mabubusog pa nga.

"I like you, Noah!" Calista declared her feelings to me.

I only looked at her with an empty gaze and quickly rejected her. "I have a girlfriend."

"H-Huh? Sabi ni Riggs, nag-break na raw kayo. Ma-matagal na!"

Napikit ko ang aking mata sa inis sa kaibigan. Dapat 'ata roon, tine-tape ang bibig. Wala akong ibang sinabihan tungkol sa amin ni Esther bukod sa pamilya at matalik na kaibigan. Yet he was spreading the news I wanted to keep for a while.

"Nag-break kami pero siya lang ang gusto ko," saad ko.

"Kahit matagal na? Can't you move on? What if your ex already has a new one?"

Wala akong paki. Kaya bang lumaban no'n sa ranking? Kaya niyang gawan ng system si Esther?

Kung hindi, tumabi siya. Ako lang may kilala nang lubos kay Esther. Ang kapal naman ng mukha niyang pumorma.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon