Thirty-one

3K 59 11
                                    

"Sige na! Aakyat pa tayo sa bundok, 'di ba?" mas masiyang sabi ngayon ni Mama. "Payag ka na, anak? Hindi na napipilitan?"

"Yeah, whatever you and Esther like."

"Tara na! Dalawang oras pa ang biyahe natin nito."

"Baka gabihin tayo sa pag-akyat, Ma?"

"Hindi 'yan! Sasaglit lang naman tayo at bababa rin kaagad," sagot nito. "No more reklamo na! Let's go, honey."

"Daijōbu!"

"Daijōbu," paggaya ko sa tono ni Tito Kaito at humagikhik sa tuwang nararamdaman.

I was too ecstatic on our way to Mount Fuji. Para bang makikita ko ang paboritong artista sa excitement na hindi mawala sa akin.

Well, pwede na rin namang tawaging artista dahil sikat ito at dinadayo pa ng mga turista.

"You love Mount Fuji, huh?"

"Oo! Lagi kong nakikita sa internet 'yon. Ang ganda kaya, pa'no pa kaya kapag sa personal?"

"Why bother? May Mount Makiling naman tayo sa Pilipinas," giit niya na ikinatawa ko.

"Ibang-iba 'yon ah! Araw-araw ko nang nakikita 'yon eh. Eh 'yong Mount Fuji, kailangan pang sumakay sa eroplano para makita."

"You're so serious about this."

"Super! Kinikilig ako kahit hindi ko pa siya nakikita."

"I don't know what to feel. Kinikilig ka sa iba, kaso bundok ang dahilan."

"Sira! Magseselos ka pati sa bundok."

"Kung gano'n ang description mo, edi nagseselos nga ako."

Napairap ako sa sinabi nito, ngunit sumiksik din sa kaniyang balikat. I asked for his hands which he gave immediately.

Hinarap ko ang palad niya sa amin at magaan ang kamay na ginuhit ang bundok doon.

"Hindi ka nagsasabi sa akin na gano'n ang nararamdaman mo. . ." bulong ko, iyong kami lang ang makakarinig.

"Alin?"

"Na nilayo sa 'yo si Mama."

"Wala po 'yon. It's a normal feeling for a son who's left alone. Pero ayos naman ako."

"Gan'yan ba ang tumatakbo sa isip mo gabi-gabi? Na naiwan kang mag-isa?"

"Minsan."

"Lagi kang nagtatanong sa akin kung okay ako, pero ikaw 'tong hindi ko tinatanong kung okay ka ba."

"Babe, it's fine. Siguro no'ng kakaalis pa lang ni Mama, madalas ko 'yong naiisip. Pero nitong nakaraan, hindi naman na. I'm much better now."

"Promise?" Inangat ko ang aking hinliit, gaya nang ginagawa ni Micah.

"Yeah, babe. Pinky promise." He folded our pinky fingers together. "I don't like promises, but if you do this cute gesture, we'll pinky promise then."

"Napaka-corny! Hindi nauubusan ng banat," komento ko.

Noah chuckled and then leaned his head on mine. "Let's sleep. Para may energy tayong umakyat sa bundok mamaya."

Natawa muli ako nang marinig ang pagka-bitter sa boses niya.

"Galit na galit ka sa Mount Fuji? Ano bang ginawa niya sa 'yo, huh?"

"Hindi ako galit ah," kunwari'y inosente nitong turan. "Take a nap now, babe. Climbing is not an easy activity."

"I know. Sabayan mo akong umidlip kung gano'n."

"Alright, come here." He scooped so we could cuddle for a nap.

Touchstones of Getting YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon