Trigger and content warning!
Disturbing topics and beliefs that might go against your beliefs ahead. Reading discretion is highly advised.
Ф†Ф
Cabrera Medical Center. The place where I was born as a premature baby and the place where I grew up due to my illnesses one after another.
"Arriya? Sakto, pauwi na ako." Itinaas ni Doc Sherwin Cabrera ang kaniyang kamay at halatang hinihintay na ang ibibigay ko sa kaniya. Malaki ang naitulong niya sa akin noon para maka-survive ako sa mga sakit ko kaya bilang kapalit, binibigyan ko siya ng carrots at oranges kahit pa palagi kaming nag-aaway. Pareho kasi kami ng pag-uugali at walang may gustong mag-adjust sa amin.
Inilayo ko ang hawak ko noong aabutin na sana niya ito. "Nasaan muna ang Agon ko?"
"Aba ewan ko. Malamang nagtatago mula sa'yo. Ako rin naman, kung may babaeng obsess sa akin kagaya mo, mas gugustuhin ko na lang magtago sa kabaong habang buhay." Sabay kain sa harapan ko ng orange, saka ko lang naramdamang wala na akong hawak ngayon dahil nasa kaniya na. Kahit kailan talaga! Mas kumulo pa ang dugo ko noong umalis na siya. Iniiwan pa sa daan ang balat ng citrus. Hindi naman makapagreklamo ang janitor na naglilinis ngayon dahil si Doc ang nagmamay-ari ng hospital.
"Arriya? Ba't nakatunganga ka?" tanong ni Ate Jane. Arriya ang tawag nila sa akin dito sa hospital dahil mahaba raw ang Arrietty na pangalan ko. Kasama niya sina Ate Nami at Judy na pawang nurse din kagaya niya. Lumapit ako sa kanila saka niyakap ang braso nina Ate Nami at Jane. Hindi ko pa kasi gaanong close si Judy dahil bago lang siya rito.
"Iba ang lambing sa atin ni Arriya ngayon ah, hulaan ko, may pabor na naman itong hihingiin." Sabay akbay sa'kin ni Ate Nami. Narinig ko naman ang tawa ni Judy.
"Ganoon ba ang tingin n'yo sa'kin?" Nguso ko. "Gusto ko lang naman kayong bigyan ng energy drink." Sabay turo sa ilang paper bags na punong-puno ng energy drinks, na nakalagay sa bleachers. Lumapit ako sa upuan saka kumuha ng tatlong energy drink para ibigay sa kanila. "Bigyan n'yo rin ang ibang staffs." Tapos ilakad ninyo ako kay Agon.
"Ikaw talaga, Arriya, nag-abala ka pa."
"At ikaw naman, Jane, pakipot ka pa, kung ayaw mo sa bigay niya, akin na lang," singit ni Nurse Nami at akmang kukunin na niya ang energy drink ni Nurse Jane noong inilayo ng nahuli, ang hawak nito habang nagmumura pa.
"What's going on here?"
"Doc Corbyn!" halos sabay na banggit ng dalawa sa pangalan ng doctor na sumingit sa gulo nila.
Nginitian kami ng doctor kaya halos magtatatalon na ako rito sa kilig. Sino bang hindi makikilig? E crush na crush ko siya mula pa noong una niyang pasok dito. Siya yata ang first crush ko.
"Ah, Doc, para nga po pala sa'yo." Nakangiti at pa-cute kong saad habang iniaabot ang energy drink at tatlong oranges, na kagaya lang ng ibinigay ko sa ilan. Pinigilan ko naman nang husto ang pagtili noong ngumiti ulit siya. Kinilig pa ako dahil medyo nasagi niya ang kamay ko. Focus Arrietty, nandito ka para landiin si Agon, hindi si Doc Corbyn.
"May Agon ka na, Arriya," bulong ni Nurse Judy habang pinapanood namin pareho ang doctor na paalis. "Akin iyon." Pabiro pa niya akong pinandilatan. Siya ang pinakabata sa mga babaeng nurse. Isang taon lang ang agwat namin, pero nurse na siya, samantalang ako naman, ay mukhang maaabutan pa ng K-12. Mag-i-stop kasi ako.
"Anong iyo? Atin!" sabad ni Nurse Nami.
"Sorry, but I don't want threesome." One thing that you must be used to with being surrounded by nurses or doctors or anyone that deals with biology is, hearing words like these. You must be open-minded.
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...