C30

945 16 0
                                    

30

"Akala ko ba, nagtitipid ka?" tanong ko kay Agon na binibigyan ako ngayon ng tatlong red rose. Ika-nine kasi namin ngayon.

"Oo."

"Ba't may pa ganiyan ka pa?"

"Pinulot ko lang ito sa tabi, kaya walang perang nasayang."

Kinuha ko na lang ang iniaabot niya saka inilagay sa vase, sa tabi ng pasong kinatataniman ng rose na bigay niya sa akin noon. Bahagya akong nagulat nang niyakap niya ako mula sa likuran. Ipinatong niya ang baba niya sa balikat ko, habang inaamoy-amoy ang leeg ko kaya nakikiliti ako. "Bakit?" tanong ko habang pinipilit tingnan siya. Alam ko kasing may kailangan siyang sabihin sa akin or what kaya niya ako ibina-back hug.

"Naaalala mo iyong recruiter na nabanggit ko sa'yo noon?"

"Oo. Bakit?" tanong ko kahit pa alam ko na kung saan patungo ang pag-uusap namin. Hinawakan ko pa ang kamay niyang nakayakap sa akin. Mukhang malapit na siyang umalis, kailangan ko nang sulitin ang pag-e-stay niya rito.

"Nagkita ulit kami. Kababalik lang niya galing abroad."

"And?" tanong ko dahil ilang segundo na'y hindi pa rin niya tinutuluyan ang kuwento niya.

"Inaaya niya akong mag-abroad din."

"Saan nga pala ulit?"

"Somewhere in Aldhi."

Nakaramdam ako ng kaba sa sinabi niya. Marami kasi akong naririnig na negative comments tungkol sa parteng iyan ng mundo. "Anong desisyon mo?"

Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa akin saka isinandal sa balikat ko ang baba niya. "Gusto ko sanang subukan. Malaki sahod e. Kailangan natin iyon para sa kasal."

"Pero... hindi naman kailangang gumastos ka pa para sa kasal. Kasal naman na tayo—"

"Para din sa magiging anak natin."

"Kailan daw ang alis ninyo?"

"Marami pa akong aasikasuhing papeles kaya next month pa."

"Kailan ang balik?" Hindi pa siya umaalis, nanunubig na ang mga mata ko at nagk-crack na ang boses ko.

"It depends. Pero hindi aabutin ng isang taon ang pananatili namin doon. Baka nga, mag-iisang buwan lang kami do'n."

"Ilan exactly ang sahod?"

"Hundred thousand plus."

Napalunok ako sa sinasabi niya. "Hindi ba... parang masyadong malaki niyan?" Hindi ko alam, pero ramdam kong may mali. The first time na binanggit niya sa akin ang tungkol dito, malakas na ang kutob kong maaaring scam ang trabaho sa abroad na sinasabi niya. Mas lalo pa akong kinakabahan dahil uso ngayon ang human trafficking.

"Sa abroad kasi. Mayaman ang bansang iyon, barya lang iyon sa kanila." Hinalikan pa niya ang pisngi ko. Halatang ginagawa niya ang lahat mapapayag lang ako.

Dahan-dahan ko siyang hinarap. "Gusto mo ba talaga?" Kung gusto mo, sana, maayos na trabaho ang maaabutan mo roon. Niyakap ko siya nang tumango siya. Halatang desidido, kaya sino ako para pigilan siya? Pero may part talaga sa aking gusto ko siyang pigilan. Pero ayaw kong maging unfair. Pangarap niya ang kumanta. Sa ganda ng boses niya, hindi lang dapat ako at mga customers sa Extraordinary ang makaririnig nito. "B—babalik ka?" iyak ko na.

"Of course. Kaya hintayin mo ako." Niyakap na naman niya ako, saka marahang sinuklay ang buhok ko gamit ang daliri niya.

"B—bigyan mo ako ng panghahawakan." Nguso ko pa. Hindi sa wala akong tiwalang babalik siya. It's just that, iba ang pakiramdam ko sa maaaring mangyari, kaya dapat ay may panghahawakan akong babalik siya. Dapat may panghahawakan kaming dalawa.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon