6"Puwede bang kahit ngayon lang, kinabukasan ko naman ang isipin mo? Kuya... baka nakakalimutan mo, kapatid mo rin ako."
Alas sais pa lang ng umaga, pero pakiramdam ko, ubos na ubos na ako. Ni minsan, hindi ko alam na ganoon pala ang pinaggagagawa ni Kuya. Mas lalong hindi ko inakalang ganoon ang pinagdaanan ni Agon, dahil sa'kin. Paano niya nagawang magpakabait sa akin, kahit pa naging miserable ang buhay niya dahil sa akin?
"Arri?" gulat na tanong ni Kuya pagkabukas niya ng pinto at pagkakita niya sa'kin. "Arri." Umupo siya para yakapin ako at para pakalmahin. Dahil sa ginawa niya'y mas naiyak ako. Mas naramdaman kong hindi ko deserve ang mundo. They are too good. They deserve a better life. But then I brought them nothing but pain. Problems.
Now, my unending question to myself, the, 'what's my purpose in life' has been answered. My purpose in life is to be their problem. Their biggest problem, to test their capability in handling a problem. To make them stronger. Perhaps, this was the reason why He sent me here. Kumbaga sa mga palabas at nobela, ako iyong extrang susubok sa kakayahan ng mga main character. To add thrill on the story.
"Tama na..."
"Sorry..." I cried. I'm really sorry.
"Wala kang kasalanan. At kung ano man ang nagawa ko, sarili ko iyong disisyon," saad niyang mas nagpaiyak pa sa akin.
Ф†Ф
Trigger Warning! Sewisaydal thoughts ahead!
Pinunit ko ang suicide note ko, saka ibinato sa trash bin. I don't want to do this. Really. Ayaw ko. I just want to end the unending miserableness to their life. I tried again to write but then I can't write. I had written some but it's full of air. It's pointless. Sa inis ko'y pinilas ko ulit ang piraso ng papel, saka ibinato sa trash bin. Naagaw ng nakadikit sa dingding ang pansin ko. Sa taas ng trash bin.
Nilapitan ko ito at nakita kong ito iyong drawing ni Min. Iyong huli niyang drawing kung saan nakasulat din doon na gusto niyang ibigay sa'kin ang puso niya. Napaluhod ako nang na-realize kong magiging walang kabuluhan ang pagsuko ni Ate Maiden sa kapatid niya, kung magpapakamatay lang ako. Why does it's so hard to live and to die?
Napapunas ako ng luha ko noong nag-beep ang cellphone ko. Pagtingin ko'y si Ate Maiden ang nag-text kaya in-open ko ito agad. Bigla akong nabuhayan nang nalaman kong magbabakasyon siya rito ngayong August. Mas nabuhayan pa naman ako noong tumawag siya sa'kin at nangungumusta. Tumingin ako sa orasan at nakita kong alas dies ng umaga rito. Nasa Paris siya, kaya sa tantsa ko'y mga nasa alas kuwatro naman doon ng umaga.
Medyo naninibago ako ngayon dahil ngayon lang ulit siya tumawag after months tapos ganitong oras pa. Isa pa'y kilala ko si Ate na hindi mahilig tumawag. Perhaps, she's the angel He sent to distruct me from overthinking and to stop these suicidal thoughts. And it's effective. Ngayon, excited na ako para sa August. Miss na miss ko na siya!
Nakangiti ako habang nililinisan ang kuwarto. Itinapon ko na rin ang laman ng basurahan namin para hindi makita ni Kuya ang mga isinulat ko kanina. Mas napangiti ako nang sunod-sunod na nangumusta ang tatlong nurse. Puro kalokohan ang mga sinabi nila but somehow, it brightened my day, lalong-lalo na iyong message ni Nami na akala mo naman kung nag-abroad ako para manghingi siya ng pasalubong na chocolate kapag naisip ko raw magbalik bayan.
Si Judy naman, mami-miss daw niya ang energy drink na ibinibigay ko sa kanila araw-araw. While Jane, sinabi niyang bibisitahin daw naman niya ako rito kapag nakaluwag-luwag na raw siya. Akala ko, siya ang may pinakamatinong text, hindi pala. Sinundan niya kasi ng, 'Meaning, malabo kitang mabibisita dahil malabo ring makaluwag-luwag ako. Ikaw na lang ang bumisita sa'kin'.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...