8
"Doon ang kuwarto niya." Turo ni Agartha sa kuwartong kurtina ang pinto. "Pero wala siya. Nasa kampo kaya doon ka matulog." Nilingon niya ako. "Iyon nga lang, walang kutson ang kama. Kaya kung hindi ka sanay matulog sa matigas na higaan, sorry ka na lang." Sabay alis na niya't umakyat sa hagdang tatlo lang ang hagdan.
Alas nuebe na ng gabi kaya tulog ang lahat dito. Inilibot ko ang tingin ko sa buong bahay. Simple lang ang bahay nila. Iyong tipo ng bahay na may haligi at may extension na makikita sa probinsiya. Simple, pero sobrang linis at ang ganda. Pati na rin ang kuwarto niya. Nakadikit dito ang mga award niya mula elementary hanggang college. Consistent honor student nga pala siya. Lumapit ako sa dura box kung saan nakapatong ang picture frames. Picture nilang tatlo noong mga bata pa sila, at ngayong malaki na sila. Bago ang picture frame kaya malamang ay ngayon lang ito nakuhaan.
Tinitigan ko ang mukha ni Agon sa picture. Hindi ko naman maiwasang malungkot sa plano ko. Sunod kong nakita ay ang picture nilang dalawa ni Tito Arris Jordan senior. Si Tito lang na papa nila ni Kuya ang nakita ko noon in person dahil panay ang bisita niya noon kay Kuya noong buhay pa ito.
Sa pangalan lang naman ako pamilyar kay Tita Tricia. Sana lang ay i-welcome niya ako bukas.
Ф†Ф
"Agon, anak ko, may simba ngayon, gising na— sus maryusep!"
Napabangon ako bigla dahil sa gulat, dahil sa may sumigaw. Nakatayo ngayon ang ginang na halatang iyong mama nina Agon. "H—hello po." Ngiti ko kahit pa ang sakit ng ulo ko. Gusto ko pang matulog.
Ngumiti naman siya saka tumingin sa katabi kong si Agon na mahimbing ang tulog at nakapatong pa sa lap ko ang kamay niyang kanina ay nakayakap sa akin. Nahulog nga lang at napunta sa lap ko noong umupo ako. "Anak, ano'ng ibig sabihin nito?" malakas niyang tanong, saka lang naman nag-sink in sa akin ang nangyayari. Nilingon ko ulit si Agon na katabi ko ngayon at pareho kaming nababalutan ng iisang kumot. "Agon!"
Gumalaw ang katabi ko dahil sa sigaw ni Tita, saka niyakap ulit ang tiyan ko. Don't tell me, magdamag kaming magkatabing natulog? "Mmm," he murmured. Halatang ayaw magpadisturbo sa tulog.
Nginitian ako ulit ni Tita, saka lumapit sa'min at tinanggal ang kumot na nakabalot sa buong katawan ni Agon, dahilan para magising ito.
"Ma, alas dose ako natulog kagabi." Inilapit niya sa'kin ang ulo niya, habang nakayakap pa rin siya sa'kin, dahilan para mapasinghap ako. "Haandak man gisturbuan—" bigla'y bumangon siya at kumurap-kurap. Mukhang ngayon lang din natauhan. Magulo ang buhok niya at may kalat-kalat pang muta sa mata niya. "Ara?" (huwag mo nga akong disturbuhin)
Ngayon ko lang nagawang umalis sa kama at tumayo. Hinarap ko si Tita. "Hello po," naiilang kong pagbati na may kasama pang pagkaway. "Ako po si Arrietty." Sabay yuko ko. "Anak po ako ni Linda. At... bumibisita lang po ako. Tungkol po sa naabutan n'yo—"
"Manong? Akala ko ba, hindi ka uuwi?" tanong ni Agartha na nababalutan ng tuwalya ang buhok at halatang bagong ligo. Nilingon pa niya ako sabay binigyan ako ng nang-aasar na ngiti, bago hinarap si Tita. "Siyak ti nang-iawid kanyana ditoy, Ma." (Ako ang nang-uwi sa kaniya rito, ma)
Mabuti't lumaki akong kasama ang mga taong may iba't ibang dialect kaya nakaiintindi ako ng ilokano.
"Ampay? Anya mangmangyarid'ta?" Sunod na sumilip ang babaeng kamukhang-kamukha ni Agartha. (Bakit? Ano'ng nangyayari diyan?)
Tumingin kaming lahat kay Tita. "Sa labas tayo mag-usap." Sabay labas niya.
Tiningnan ko naman si Agon na hanggang ngayon ay parang tuliro pa rin, bago ako sumunod sa labas.
"Huwag mo akong tingnan ng ganiyan. Hindi ko alam na uuwi pala siya," saad ni Agartha habang papunta kaming kusina. "Pero kung magkapatid lang ang turingan n'yo sa isa't isa, dapat hindi ka affected." Ngiti pa niya saka umalis na.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...