35
Content warning! Rspe topic ahead!
"Alagaan mo ang asawa mo," habilin ni doctora. Sumama siya sa amin dito sa Rizal, Makabayan para daw makasigurong ayos lang talaga si Agon. Halata sa mukha niyang mami-miss niya si Agon. Ilang buwan din kasing palagi niyang kasama ang lalaki.
"Opo. Salamat po ulit, Doctora." Pang-ilang beses ko nang nagpasalamat sa kaniya, pero hindi pa rin ako napapagod magpasalamat. Malaki ang tulong niya sa amin. Siya ang nagsumikap na intindihin si Agon noong mga panahong sobra pa ang takot nito. Siya rin ang halos nagbayad sa isang buwang gastusin namin.
Tiningnan niya si Agon na nasa salas at yakap-yakap ang gitara pero hindi naggigitara. "Tinanong mo ako noon kung bakit sobrang bait ko sa kaniya." Saka niya ako binalingan. Tama siya, naitanong ko na nga iyon. Mula nang ginawa iyon ni Aditty, naging cynic na ako. Bawat kabaitang ipinapakita ng mga tao, pakiramdam ko, may hihingin silang kapalit.
Nakita ko siyang naiiyak. Sinubukan pa niyang itago ito mula sa akin. "Pero hindi ko nasagot... ngayon, kaya ko nang sagutin... dahil nakikita ko sa kaniya ang anak kong lalaking na-rape din... dito mismo sa bansa natin... at sa ginagawa kong pagtulong sa kaniya, nababawasan ang guilt na naitanaim sa akin noong namatay ang anak ko nang wala man lang akong nagawa. Doctor ako, pero anak ko mismo, hindi ko nagamot."
Niyakap ko siya nang tuluyan na siyang naiyak. Noon pa pala issue ang pang-aabuso ng mga lalaki sa kapwa rin nila lalaki...
"Nakita ko ang anak kong umiiyak noon... pero dahil sa lalaki siya, akala ko, kaya niyang mag-isa... akala ko, kaya niyang lumaban mag-isa, ni hindi ko naisip na hindi porke lalaki siya ay wala na siyang kahinaan. Dahil tao lang din siya, tao lang din ang mga lalaki, kagaya natin. At kagaya nating mga babae, nangangailangan din sila ng tulong... h—hindi ko lang kasi maintindihan noon... lalaki siya, bakit pa siya na-rape?" she cried.
I'm glad that I'm Arris's sister. Palagi kasing sinasabi sa akin ni Kuya na ang rape, walang pinipiling gender, edad, katayuan sa buhay, etc dahil ang rape, nandiyan iyan dahil may rapist. Tapos nakalulungkot pang isipin na imbis na ang i-blame ng mga tao ay iyong rapist, dahil wala namang mare-rape kung walang rapist, ang nasisisi pa ay iyong mga biktima, kesyo, bakit hindi raw nanlaban? Bakit mas pinili pa raw ng biktimang ma-rape, kaysa ang magpakamatay? Bakit daw kasi nagsuot ng short pant? Bakit daw kasi pangpokpok ang suot? Kesyo bakit daw uminom? Bakit daw kasi nagpapagabi?
Without knowing that you can still be a subject of rape, even if you will wear the most decent clothes. Just like those countless girls during Spanish era. They don't know... that even if you're not drunk, you can still be raped. That your innocence can still be stolen even at broad daylight. Because... there's a rapist. Hindi dahil sa may nagpapa-rape. Walang kasalanan ang mga biktima, pero paulit-ulit pa silang nasisisi.
Kaya hindi ko masisi si Iodin noong nagpakamatay siya. Kaya hindi ko rin masisi ang ibang biktima kung bakit kinikimkim na lang nila ang pinagdaraanan nila, imbis na sabihin sa awtoridad... dahil alam nilang maraming makaaalam kapag nanghingi sila ng tulong. At kapag maraming makaaalam, marami ring maninisi sa kanila... isang taon ko pa lang na nakalabas sa hospital, pero alam ko na ang toxic mentality ng mga tao.
"Don't be shy to ask for help kapag hindi n'yo na kaya ha?" paalala ulit ni Doctora. Hawak niya ang pinto ng sasakyan niya. Siya ang naghatid sa amin paauwi. Ngayon na ang balik niya sa Manila. "Muntik ko nang makalimutan," saad niya nang papasok na sana siya sa sasakyan niya. Tumingin pa siya sa banda ni Agon na papasok na ng bahay ngayon. "Huwag pala muna kayong mag-sex dahil maaari iyong maka-trigger sa kaniya nang husto. Pero kapag siya na ang nag-aya, puwede," seryoso niyang dagdag habang halos mapaubo naman ako rito kanina. Doctor ka nga.
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...