C49

2.7K 41 1
                                        

When conscience and guilt conquered your whole system, will you still stay?

I didn't.

"It's not your fault, babe, bakit ka makukonsensiya?" tanong na naman ni Jonah. Madalas niya itong sabihin pero hindi ko magawang hindi sisihin ang sarili ko. "Maski ako, kapag nangyari iyan sa mahal ko sa buhay, gagawin ko rin iyong ginawa niya. Only death is the justice when it comes with rape."

Nanatili akong tahimik.

"Babe, nandiyan ka pa ba?" Huminga siya nang malalim. "Bumalik ka na sa kaniya. Nasasaktan mo lang ang sarili mo."

"H-hindi ko kaya," iyak ko. "Pinapatay ako ng konsensiya."

"Ayan ka na naman, hintayin mo akong pumunta diyan, hahambalusin ko ang pagmumukha mo hanggang matauhan kang hindi mo iyon kasalanan."

Everyone is telling me that it was not my fault, but my mind keeps on telling me it was. Maski ang kambal na kapatid mismo ni Agon, hindi nila ako sinisisi. Though, masakit daw para sa kanila na naikulong ng ilang taon ang kuya nila, mas masakit naman daw iyong nangyari sa'kin at kailangan ko ng hustisya dahil doon, na ibinigay naman ni Agon.

Tumulo ang luha ko habang pinapanood ang news noon, tungkol sa kriminal na isa sa mga ipinalaya ng president. Wala akong kaide-ideya noong si Agon pala ang dahilan ng pag-trend ng, hashtag oust the president, sa kadahilaang ipinalaya raw ng presidente si Agon dahil daw sa itsura nito. That time din kumalat ang post about, 'face always win'. Kung maraming nag-sign ng petisyon para mapalaya si Agon, marami ring against dito, iyong mga taong hindi alam ang buong kuwento at ang alam lang ay magbigay ng nonsense comments without basis.

Reclusion temporal for murdering one of the famous chefs. Noong una raw ay accident lang ang tingin ng mga kapulisan sa nangyari. Pero noong naghukay ng impormasyon si Attorney Carter, ang attorney ng Rodriguez, napag-alaman nilang minsan nang crim student si Agon at flat uno pa ang grades nito. Kaya inilagay nilang murder ang kaso. Then preliminary trial was held where my husband plead guilty. Inamin din niya na pinlano niya ang pagpatay at ini-apply pa niya ang natutuhan noon sa paaralan, kaya reclusion perpetua ang unang naisampa sa kaniya.

Until my brother filed an appeal to the Court of Appeals, to lessen the sentence of Agon with the help of Aljun who had an evidence that time. Aljun testified that my husband just protected me, his wife from injustice. Ang rason naman kung bakit late nag-testify si Aljun ay dahil ikinulong siya ng nanay ni Etham para hindi kumanta. Nakalaya lang siya noong nahanap siya ni Kuya. Aljun also testified that my testimonies were all true, that I was taken advantage of by his uncle, with an evidence- the dashcam of his car.

With that, the court found out that all of the testimonies of the Rodriguez were all lies. Attorney Carter also withdrawed from representing the Rodriguez, as he just found out that he was defending the rapist all along. Ibang attorney na tuloy ang kinuha ng mga Rodriguez kaya naipababa iyong kaso ni Agon from reclusion perpetua to temporal. Bukod doon ay nasampahan ng kasong perjury lahat ng nag-testify sa mga Rodriguez, pati mga kaibigan ni Etham, maski na si Nadine. Kahit pa nakalaya na sila ngayon maliban sa nanay ni Etham na nasampahan ng kasong kidnapping, ay masasabi ko pa ring nakuha ko ang hustisyang nararapat lang para sa akin.

Pero... sa kabila n'on, hindi ko pa rin mapigilang mapaiyak. Thinking he shouldered all of those painful comments just for me. Thinking he was jailed for six years and five months because of me, and was about to take twelve to twenty years if he wasn't just granted a pardon. Pero paglaya niya, ikinulong ko ulit siya sa mga overthinking ko.

Ф†Ф

"Ara," saad ni Agon. Sabado ngayon, November twelve. Kada Sabado ay pumupunta ako rito para lutuan sila ng pagkain. Araw-araw naman akong nag-aabang sa school nina Junior para makasama ko ito ng mga ilang minuto. Kada hapon naman ng Linggo'y lumalabas kami. Next month ay sa akin naman na ito titira. Napag-usapan kasi namin ni Agon na salitan kami monthly.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon