(I know it's hard sometimes but soon, you'll get over with reading the epilogue before the first chapter)
"Did they become an angel?" tanong ni Junior habang nakatingin sa puntod ng kapatid niyang naagang nawala sa amin.
"Yes," sagot ni Agon habang hinahaplos ang puntod ng unborn baby namin.
Umupo rin naman ako saka hinaplos ang puntod. It's been years, pero masakit pa rin sa'kin ang pagkawala ng baby namin. Kung hindi siya nawala, ten years old na sana siya ngayon. Naramdaman ko ang pag-akbay sa'kin ng asawa ko. Karga niya ngayon si Junior na mahilig pa ring magpakarga sa ama kahit pa seven na ito.
"Tara na?"
Isang haplos pa sa puntod ni Baby at umalis na kami. Nandito kami sa Baguio para anyayahan ang mga naging kaibigan ko rito, sa nalalapit naming kasal ni Agon. Ang dami kasing arte ng lalaki, gusto niyang ikasal kami ulit para daw maranasan niya iyong may vows. Iyong maglalakad ako sa altar, etc.
Bumaba si Junior mula sa ama niya at humawak sa kamay ko habang nakangiti. Mula noong nagkabalikan kami ng ama niya'y tuwang-tuwa siya. Sinabi rin niyang iyon daw ang hiling niya noong nagka-eclipse.
"Is it okay with you to visit that place?" tanong ni Agon habang papunta kami sa dati naming tirahan.
Tumango ako. Gusto ko rin kasing mabisita si Nanay Lolita. Napatingin ako sa anak ko nang niyakap niya ako. Nandito kami sa backseat samantalang nasa driver's seat naman si Agon. Nginitian ko siya saka hinayaang sumandal sa akin dahil halatang inaantok siya.
Niyakap agad ako ni Nanay Lolita pagkakita niya sa akin. Puti na halos lahat niyang buhok. Niyakap din niya si Agon habang panay ang pasasalamat at dumalaw kami. Tuwang-tuwa naman siya noong ibinalita naming ikakasal kami ulit.
Maski sina Jane, Nami at Judy ay invited din kaya ngayon ay ang ingay-ingay na naman namin especially sina Judy at Nami na hanggang ngayon ay wala pang asawa.
"Pangalawang kasal na ito nina Arriya, 'gang ngayon, wala pa rin tayong asawa!" reklamo ni Judy na papalit-palit ng boyfriend.
"Siguro, nasa sinapupunan pa lang ang para sa atin," segunda ni Nami. Patawa-tawa naman ako habang inaayusan ako ni Ate Christine. Nandito rin sila ni Ate Stephanie pati si Mama.
"O baka naman, sperm cell pa lang."
Nag-sign of the cross bigla si Nami kahit pa hindi naman siya Catholic. Mali pa ang pag-sign of the cross. "Sana huwag siyang mabalot ng condom o kung hindi'y mapatay ng pills."
"Good news, hindi sila nabalot ng condom, at hindi rin napatay ng pills," pagsingit ni Ella sabay tingin kay Maiden.
"Bad news," saad naman ni Maiden, "sa kama naiputok." Sunod nito'y nag-apir sila ni Ella. Magkakabati na talaga silang lima. Ang hinhin tingnan ni Maiden, tapos ang dumi rin pala ng isip. Tama talaga ang sinasabi ng ilan na huwag magpadala sa inosenteng pagmumukha.
"Ow! You're so gorgeous!"
Napatingin kami sa pintuan noong may nagsalita mula rito na walang iba kundi si Honey, ang artista at kaibigan ni Agon kaya hindi puwedeng mawala sa kasal. Dahil doon ay exclusive ang kasal namin para hindi siya mapagkaguluhan. Lumapit siya sa akin sakto namang tapos na akong make-up-an ni Maiden kaya nakipagyakapan ako sa kaniya kahit pa minsan ko na siyang pinagselosan. Lumapit din siya kay Maiden at nakipagyakapan din siya rito.
Nginitian ni Honey ang tatlong halatang na-starstruct. Maski rin naman ako, hanggang ngayon, nae-starstruct pa rin sa babaeng ito kahit pa madalas ko siyang makita. "Naghihintay na ang car," saad pa niyang ang tinutukoy ay ang limousine niyang ipahihiram niya sa'min ngayon para daw mas ramdam kong ikakasal ako.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...