5
"So you're telling me, that you want Agon to be your husband?" Mama shouted. "Are you out of your mind‽ Nilunok ko na ang pride ko noong nagmakaawa akong buntisin ka niya, ngayon, gusto mo namang apakan ko mismo ang dignidad ko, at ipakasal ka sa kaniya? Sa anak ni Tricia?" banggit niya sa pangalan ng nanay ni Agon. "No. Hindi ako papayag. Sa ayaw at sa gusto mo, kay Chris ka."
"Pero ma, doble ang tanda ni tito Chris sa kapatid ko!" my brother spoke up for my defense and he was right. Uncle Chris is twice older than me. He's forty three and he has three daughters. We share same age with his first daughter and we share same feelings too. We both hate each other.
"At doble rin ang yaman niya kaysa sa'tin." Ngiti ni Mama, dahilan para mahampas ni Kuya ang lamesa.
I on the other hand remained silent. I want to speak up. But I'm scared I might end up crying. I'm not used to argue with anyone. Ngayon pa nga lang na ini-imagine kong nakikipag-argue ako kay Mama, kinakabahan na ako. Gusto ko na lang magkulong. Ayaw ko silang naririnig na nag-aaway. Was this the first that they argued? Or this is just the first time they argued in front of me? The answer? I don't know. What I'm sure about right now is, I want to leave. I want to cover my ears. I should have told that this is the life outside hospital.
"Ewan ko sa inyong dalawa!" she shouted, as she's darting piercing eyes on me. One word to describe her look right now. Demon. "Kung bakit ba naman kasi, inanakan pa ako ng hayop mong tatay!"
Well Ma, that was your choice. Not mine. I never begged you to give me life. Nanatili akong nakayuko hanggang noong paakyat na siya sa kuwarto niya. Bawat hakbang niya'y may bigat, halatang nagdadabog. Maski ang pagsara niya ng pinto ay halata ring padabog.
"May gusto ka bang sabihin?" malambing na tanong ni Kuya. Halatang gusto niya akong mag-voice out.
Tumango ako. "Ibalik mo ako sa mga nagdaang mother's day."
"Bakit?"
"Babawiin ko lang iyong mga card na ginawa ko para sa kaniya," I joked. "Hindi niya deserve ang maganda kong drawing na heart."
Ngumiti siya saka ginulo ang buhok ko. "Huwag mong dibdibin ang mga sinabi niya. Hindi ka man sanay ngayon dahil ngayon mo lang siya nakasama nang matagal. Soon, masasanay ka rin. Huwag kang mag-alala, kapag nakaipon na ako ng malaki-laki, lilipat na tayo ng bahay. Iyon ay, kung hindi ka pa mangangasawa."
"Kuya naman!"
Nanatili siyang nakangiti saka tumingin sa taas. Maya-maya'y lumapit siya sa'kin, halatang may sasabihing sikreto na ayaw niyang iparinig kay Mama. "Huwag kang mag-alala. Hindi ako papayag na iyong matandang iyon ang maipapakasal sa'yo." Tumingin ulit siya sa taas. "Saka, pinaghihinalaan din kasi namin si Uncle Chris na kasabwat siya sa kasong hawak namin. Kaunting ibidensiya lang at mailalagay na siya sa dapat niyang kalalagyan," kompiyansang-kompiyansa niyang saad. Kada talaga may sino-solve silang kaso, umaasta siyang action star.
Tumayo na siya at akala ko, tapos na siya sa pag-astang action star. Pero hindi pa pala siya tapos dahil iyong tindig niya ngayon, ay kagaya ng tindig ni Fernando Poe. "Pero bago ako kumuha ang ebidensya, maliligo muna ako—" nahinto siya dahil napatid siya ng upuan ni Mamang hindi nito iniayos bago umakyat. "Sinadya ko 'yon para mapatawa ka." Ngiti pa niya bago tuluyang umalis.
Napailing naman ako habang nakangiti. Good thing I have a brother like him.
"Ano na naman?" bungad ni Agon matapos lang ang dalawang ring.
"Agon my loves!" Pinilit kong pasayahin ang boses ko. Kahit pa ka-call ko lang siya'y ramdam ko nang nasusuka siya sa itinawag ko sa kaniya. "'Di ba, inanyayahan mo akong matulog diyan?"
BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
RomanceArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...