C4

978 18 3
                                    

4

Nag-away na naman kami ni Mama kaya nandito na naman ako sa apartment ni Agon. Hindi naman matindi ang sagutan namin ni Mama kanina, pero dinibdib ko iyon. Wala si Kuya ngayon sa bahay. Hindi raw ito uuwi dahil marami silang kailangang gawin sa prisinto kaya ang naiwan lang sa bahay ay kami ni Mama. Ngayon ay siya na lang dahil nandito ako. Hindi ko kasi siya kayang makasama nang buong araw.

Hindi naman ako matutulog dito. Doon ako kina Judy. Pumunta lang ako rito dahil inutusan ako ni Kuyang bisitahin ang kapatid niya. Tumawag daw kasi si Agon sa kaniya at nagpapasamang uminom. Problemado na naman yata. Dahil sa hindi ito kayang damayan ni Kuya ay ako na lang ang ipinapunta niya rito. Kung alam lang ni Kuyang pandagdag ako ng problema ni Agon, baka hindi na siya magtatangka pang papuntahin ako rito.

"Agon!" Agad akong lumapit sa lalaking susuray-suray ngayon. Kailan pa ito naglunod sa alak? May pasok pa siya bukas! Ipinatong ko ang braso niya sa balikat ko, para maalalayan ko siya sa pag-akyat ng hagdan. Pasalamat siya't dito ako sa baba naghintay. "Ba't ka ba naglasing?!" Hindi ko maiwasang pagalitan siya ngayong nasa loob na kami ng unit niya. Mabuti nga't nakaya kong alalayan siya hanggang dito. Hindi naman kasi siya nagpapabigat.

"Ara," bulong niya kasabay ng pagpatak ng mga luha niya. Mukhang mabigat na talaga ang dinadala niya kaya naglasing na talaga siya. Dati kasi'y hanggang inom lang siya. Sila ni Kuya.

"Bakit?" Hindi ko maiwasang mag-alala nang narinig ko siyang humikbi.

"H—hiniwalayan niya na ako." Nakapikit at panay pa rin ang pag-iyak niya, samantalang natanga naman ako. "It hurts, Ara!" pumiyok na siya. Itinuturo na niya ngayon ang dibdib niya. "Nine years... We've been together for nine years... I gave up criminology, para lang makasama siya kasi sabi niya, magdo-doctor siya at gusto niya, pareho kami ng kurso. Neuro siya, samantalang cardio naman daw ako... kaunti na lang, magdo-doctor na ako... pero— ki-nana, bakit?"

Umupo ako sa tabi niya habang umiiyak siya. Kaya pala bigla na lang siyang nag-shift noon. After seconds, I faced him again. I never thought I would see him crying. I tapped his broad shoulder as he's still crying. Now, I came to understand the reason behind his name. Agon. A derivative of agony. Minutes passed and somehow, he stopped crying.

"Gusto mo, lutuan kita ng pagkain?" I asked in my most softest voice as if I'm talking to a baby. Hindi ko kasi namalayan kaninang naiwan ko pala kung saan iyong iniluto kong pagkain niya, noong nakita ko siyang susuray-suray. Napangiti ako nang parang bata siyang tumango. Kung sino man iyong girlfriend niyang nanghiwalay sa kaniya? Sana alam niyang malaking kawalan itong lalaking pinakawalan niya.

Tumayo na ako para pumunta sa kusina. Bago ako makapunta sa kusina ay nilingon ko muna siya. Sana nga lang ay hindi ako ang rason ng paghihiwalay nila.

Alas nuebe na ng gabi, pero matutulog pa lang kami. Wala kasi siyang stock dito kaya namalengke pa ako. Hindi ako sanay lumabas nang mag-isa, pero dahil sa ayaw kong magutom si Agon ay lumabas na ako. Nag-try naman akong pumasok sa mga restaurant at fast food restaurant pero lumabas lang din agad ako dahil bumaliktad ang sikmura ko pagkaamoy ko ng mga halo-halong luto nila.

Tahimik lang siya habang nakahiga sa sofa. Dito siya matutulog dahil ako sa kuwarto niya. "Ara?"

Nahinto ako mula sa pasimple kong pagpasok sa kaniyang kuwarto. "Hmm?"

"Please iwasan mo na ako..."

I didn't respond. I just remained standing here.

"Kasi nakokonsensya ako kada sinasabihan kita ng masasamang salita... you're too good and innocent to hear those words..."

Nilingon ko siya. Nakatingin siya sa'kin, habang yakap ang unan.

"So please? And sorry... kung seryoso ka man sa nararamdaman mo sa'kin... sorry, because I can't reciprocate it. Alam mo naman yatang kapatid lang talaga ang turing ko sa'yo, 'di ba?"

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon