37
"Ate, dalawang order pa raw po ng long silog," saad ni Sherene, kasama namin dito. Siya ang tumutulong kay Ella noong nasa Rizal pa ako. Nginitian ko siya saka nagluto na nga ng order nila. Nag-o-offer na rin kasi kami ng silog dito. Matrabaho rin, pero mas malaki ang kita.
Dalawang araw na mula nang bumalik ako rito. Dalawang araw na rin mula nang hanggang call na lang muna kami ni Agon. So far, ayon kay Agatha, okay naman daw siya. Nagpapaka-busy sa pagtulong sa garden. Ako naman, nagpapaka-busy rito. Mabuti't kahit magdadalawang taon akong nawala rito ay gamay ko pa rin ang mga trabaho rito.
"Bakit ba kung ano pa ang ayaw na ayaw ko, iyon pa ang lumalapit?!" reklamo ni Ella sabay tanggal ng sim card niya saka itinapon sa lababo.
"Bakit?" tanong ko. Naghuhugas na siya ngayon ng pinggan.
"Wala, may nagpapapansin lang. Ang hirap talagang maging maganda." Sabay sway pa niya ng buhok niyang blonde, ipinakulay niya. Bagay naman sa kaniya. "Magpa-spa pala tayo sa Sabado?"
Umiling ako. "Pupunta ako Vizcaya sa hapon ng Friday." Naisipan ko kasing sa Friday na lang ako pupunta roon. Magv-van na lang ako.
"Oo nga pala, kumusta na si Agon? Miss ko nang kabardagulan iyon. Kailan siya pupunta rito? Kailangan ko pang manalo sa kaniya."
"Okay naman siya roon."
"Ba't hindi mo siya dinala rito? Marami rin namang tao sa Vizcaya?"
"Kailangan kasi muna niyang masanay nang wala ako para daw mas maka-recover siya. Saka, miss na rin kasi siya ni Mama."
"Sabagay." Tango niya. Maya-maya'y kumunot ang noo niya saka tumingin sa aking nagluluto na ng sinangag ngayon. "Anong sabi mo? Mas makaka-recover siya agad kapag lumayo ka sa kaniya?"
Tumango ako. "Sabi ng doctor. Bakit?"
Halatang nag-isip siya nang malalim. "Medyo malabo kasi. Sabagay, PTSD patient siya, samantalang iyong kakilala ko ay depression naman." Lumabas na siya pagkatapos. Naiwan naman akong medyo tulala. Bakit parang iba ang iniisip nila sa sinabi ni Doc? Gusto ko namang sa ibang psychiatrist na lang magpatingin si Agon pero sobrang layo nila. Iyong iba naman, kailangan pang mag-set ng appointment, pero hindi naman approachable ang staffs nila. Isa pa'y si Doc Lucky lang ang pinagkakatiwalaan ko dahil sa si Tito Sherwin ang nag-i-suggest sa kaniya.
Umiling na lang ako saka pinatay na ang apoy. Kailangan kong huwag mag-isip ng kung ano-ano. Saka, kung sakali mang mali ang ipinagawa ni Doc, ano naman ang mapapala niya?
Ф†Ф
"Nasa garden siya. Doon siya natutulog, sa kampo."
"Nakakaya niya po?" tanong ko kay Mama. Gabi ng Biyernes, nandito ako ngayon sa bahay nina Agon.
Ngumiti siya. "Oo. Kasama naman niya ang pinsan niyang lalaki kaya huwag kang mag-alala."
Anong oras na, pero hindi pa rin ako makatulog. Nalaman ko kasing natutulog siya sa madilim. Takot siya roon. Tumingin ako sa bintana at nakita kong maliwanag ang buwan. Sana naman, naiilawan nito ang tinutulugan nila.
Dahil sa hindi ako makatulog ay tumingin-tingin muna ako sa nandito sa loob ng kuwarto niyang sobrang linis. Well arranged din ang mga gamit niyang halatang si Agatha ang nag-ayos. Napangiti ako nang nakita ko ang picture ko ritong naka-frame, pati na rin iyong picture namin noong kasal. Hindi nga lang nagmumukhang kasal ito dahil naka kimono kami pareho at hindi pangkasal.
Nailipat ang tingin ko sa notebook niyang ibinigay ni Doc Sherwin noong hindi pa ito nangingibang bansa. Palagi niya itong itinatago mula sa akin kaya hindi ko alam kung ano ang isinulat niya rito. Nagbuklat-buklat ako at nakita ko ang drawings niyang brutal. May nakasulat pang, 'I want you die'. Halatang gusto niyang mapatay iyong mga gumawa n'on sa kaniya. Madiin pa ang pagkakaguhit at pagkakasulat niya. Ganoon ang naka-drawing sa mga ilang pages hanggang sa medyo nakalahati na ito. Iyong sunod na kasing drawing niya ay ako. Inggit na inggit na talaga ako sa pagiging talented niya.

BINABASA MO ANG
Loving Agon (complete)
Lãng mạnArrietty Osorio, a woman who was diagnosed with a rare disease, the Magdalena Syndrome, a disease that causes the patient to bleed nonstop and the only way to cure it is through impregnation. She then pulled all of her strings to force Agon Alacar...