C48

671 17 0
                                    

They say, in marriage life, love should be greater than lust. In my case, I can say that I'm more in lust with my husband than in love. Though, at least now, I can say that I love him. It's just that, the pain and lust is greater than my love for him. They even stated that there should be trust. That trust is the most important foundations of marriage. And in our case, I can say that it's only him who's trusting me. Though I'm trying my best to trust him, but I guess my best is not enough. Kasi madalas kong makita ang sarili kong pinaghihinalaan siya.

Naiinis ako sa sarili ko kasi pakiramdam ko, naghahanap lang ako ng rason, ng butas para makipaghiwalay sa kaniya. Pero hindi ko mapigilan ang sarili ko sa paggawa n'on. I hate myself for turning into someone I hated the most. I became the reddest among all of those reds. At alam kong napapansin iyon ni Agon. Hindi ko nga alam kung bakit natitiis pa rin niya ako.

I don't know. Did he assure me too much, kaya nagkakaganito ako? Alam kong kahit anong gawin ko'y mananatili pa rin siya sa akin kaya nagkakaganito ako? Or, pagod lang akong intindihin siya at ngayon, gusto ko, ako naman na ang intindihin niya? Or naghihiganti ba ako dahil sa ginawa niya sa akin noon? Kung alin man diyan ang sagot, hindi ko alam. Basta ang alam ko lang, kusang gumagalaw ang mga kamay ko, kusang bumubuka ang bibig ko at napapasabi ako ng kung ano-ano.

"Didn't I tell you to block Rex?!"

"Ara," banggit niya sa itinatawag niya sa akin. Hindi yata niya mapigilan ang sarili sa pagtawag sa'kin n'on. Mabuti at hindi na ako apektado sa pangalang iyan. Isinara niya ang laptop. Gabi ngayon. Hating gabi at nasa kuwarto kami, sa second floor. Nasa third floor naman si Junior at malamang ay narinig nito ang pagsigaw ko. Hating gabi, pero gising ang asawa ko't katatapos lang makipagtawanan sa lalaking pinagseselosan ko. Isa sa mga pinagseselosan ko. "Katrabaho ko lang siya."

"Katrabaho? Katrabaho pa pala iyong halos magdamag na kayo kung mag-usap?!"

"Nasa abroad siya, kaya malamang, sa gabi ko talaga siya makakausap—"

"Block him."

"Ara naman." Nagmamakaawa ang mga mata niya. "Bakit ba nagkakaganiyan ka? Mapalalaki, babae, ipinapaiwas mo ako sa kanila—"

"Just block him."

Tinitigan niya ako at halatang nasasaktan siya sa ginagawa ko. 'Kung nasasaktan ka, mas nasasaktan ako. I'm trying to build my trust for you, Agon. At hindi ko iyon makukuha agad-agad, habang nakikita kitang nakangiti kausap si Rex na iyan. Pakiramdam ko, nagloko ka sa akin noon kaya nakaya mo kaming iwan nang ganoon katagal.' "Nagbago ka na, Ara."

"Of course I am! Like, you left for eight years, Agon, kaya huwag kang mag-expect na pagbalik mo, ganoon pa rin ako, iyong 'Ara' mo na iniwan mo matapos halos lumuhod na, para huwag mong iwan!"

Pumikit siya at halatang nagpipigil ng galit. "Ara." Halatang pinipilit niyang magpakahinahon. "Sinabi ko lang na nagbago ka na, ibinalik mo na naman ang topic sa pang-iiwan ko sa'yo? Hanggang kailan mo ba iyan kailangang i-bring up?"

Napasara ang bibig ko dahil may punto siya at naiinis ako roon. "Block him," pagbabago ko ng topic.

Tiningnan niya ako ng mga ilang segundo bago muling binuksan ang laptop. Ilang sandali pa'y ipinakita niya ito sa akin. "Satisfied?"

Ф†Ф

Hindi lang iyon ang pinag-awayan namin. Tama siya. Mapababae o lalaki, pinagseselosan ko.

"Sino si Ara?" tanong ko sabay layo ng mukha ko mula sa kaniya dahil muntik na niya akong halikan.

Nawala ang ngiti niya kanina at napalitan ng pagkunot ng kaniyang noo niya. "Ikaw?" Dumiretso na siya sa lagayan ng bag niya para ilagay roon ang mga gamit niya. Kararating lang niya galing trabaho.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon