C27

824 19 1
                                    

27

Content warning. Mentioning of abusive father ahead!!!

"Maliban sa akin, sino pa ang nakakaalam ng pagkatao mo?" Curious kasi ako. Baka alam din ni Kuya.

"Sina Mama, Papa at Kambal."

"Tanggap ka rin?"

Tumango siya. "Hindi nga lang tanggap ni Papa. Kaya palagi niya akong pinapalo. Isinusuot ko kasi noon ang panty at bra ni Mama."

Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Six siya noong namatay ang papa nila so, "Does it mean, bata ka pa lang, alam mo nang ganiyan ka?"

"Oo."

"Paano mo nalamang ganiyan ka? Iyong roommate ko kasi noon sa hospital, mga ten years old na siya saka niya nalamang bakla siya. Noong nagkaka-crush sa sa kapwa niya lalaki kaysa sa ka-opposite sex niya."

Nagkibit balikat siya saka inihinto ang paggigitara. "Basta ang alam ko lang, ramdam ko noong maling katawan ang katawan ko. Gusto ko, kagaya ng buhok ni Mama ang buhok ko. Three years old daw ako noong ayaw kong magpagupit kaya hinayaan nilang humaba ang buhok ko. Four naman na ako noong gusto ko, mabulaklak ang underwear ko tapos gusto ko ring may takip ang dibdib ko. Kaya ginamit ko ang panty at bra ni Mama. Nakita ako ni Papa, pinagalitan niya ako. Okay na raw sa kaniyang mahaba ang buhok ko, huwag lang daw akong lumaking binabae dahil nakakahiya daw iyon. Pero kahit anong sermon niya sa akin, hindi ako nakikinig. Bata e. Anong maaasahan mo? Hanggang sa napuno na yata siya, pinapalo na niya ako."

Nagpatuloy ulit siya sa paggigitara. Akala ko, tapos na siyang magkuwento. Hindi pa pala. "Naiintindihan ko naman kung bakit siya galit sa akin noon, pero sana, inintindi niya ako noon. Bata pa ako noon, hindi ko pa alam kung ano ang mali sa ginagawa ko."

Tumingin ako sa gitarang nilalaro niya. "Wala namang mali sa ginawa mo." In the eyes of homophobic people, mayroon. Pero anong magagawa niya? Ganoon siya.

"My parents are Christians, kaya may mali."

"Pero mas mali naman iyong ginawa ng papa mong panghahabol kay Mama kahit pa may asawa na siya, 'di ba? Mali rin iyong binuntis niya si Mama nang hindi pa sila kasal, tapos, iba ang pakakasalan niya. Mali iyong mga ginawa niya, napalo ba siya?" hindi ko maiwasang masabi. Ang unfair kasi ng papa nila. Napakunot ang noo ko nang ngumiti siya habang nakatingin sa sahig.

"Mali nga." Tumayo na siya pagkatapos saka binuksan ang TV. Napansin ko namang ayaw niyang pag-usapan iyon kaya nanahimik na ako't nanood na lang din. Sakto, all about struggles ng bakla ang pelikula. Sa palabas, tanggap ng pamilya ang pagkatao ng bakla, pero hindi tanggap ng lipunan.

"Ganiyan din ako," saad niya bigla habang hindi tinatanggal ang tingin sa TV. "Tanggap nina Mama, pero hindi tanggap ng lipunan... Kaya pinilit kong magpakalalaki. Iyon din kasi ang gusto ni Mama. Dahil magiging kawawa raw ako buong buhay ko kapag mananatili akong bakla. Hindi raw ako tatanggapin ng lipunan." Nilingon niya ako. "Kaya nga tuwang-tuwa siya no'ng nalaman niya ang tungkol sa kasal natin. Noon pa raw niya ipinagdarasal na sana, mangasawa ako ng babae. Ayaw kasi niya kay Corbyn."

"Alam niya ang tungkol kay Corbyn?"

Tumango siya. "Ipinakilala ko... tanggap naman niya, pero halatang mas tanggap niya kapag babae. Para magkaapo siya. Ako lang kasi ang magkakalat ng apelyido niya." Oo nga pala, hindi niya dala ang apelyido ng papa niya. Si Kuya lang ang nagdadala nito. Napatingin ako sa kaniya nang inakbayan niya ako. "Enough with that. Let's talk about our plan for Christmas."

Napaisip naman ako sa sinabi niya. Malapit na nga pala ang Christmas. Death anniversary kasi ni Min ang nasa isip ko. "Hindi naman tayo puwede sa amusement park." Iyon kasi talaga ang gusto kong mapasok noon pa. Pangarap namin iyon noon ni Min.

Loving Agon (complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon